Coming back from a 3-year hiatus :)

Hello, beauties! It’s been 3 years since I last posted on this blog. Ang dami na rin nagrerequest sa akin ng password pero hindi yata lahat nabigyan ko. Three years… gosh ganon na pala katagal. I’ve been very busy with my after college life. In a span of 3 years ang daming nangyari – I got a job, had a boyfriend, got married and now had 2 kids already. I will also try my best to respond to your queries. If you have password requests, please comment below your e-mail address. Please note that the novels were only limited to those posted in this blog since mahirap nang hanapin yung mga prints na ito. If you want to say Hi, please leave a message in my FB. I don’t bite naman, heheheheee. Spread the love. Have a great day ahead!🙂

reid.jpg

Hello daw, sabi ni King Reid. Heheheeee!

The Sonia Francesca Collection

tumblr_mordo2OsUf1r922azo1_500

Hello lovelies! While going through my news feeds this afternoon, I accidentally bumped on this superkaduper interesting post. It seems like magkakaroon na ng bonggang-bonggang reprint ang mga collector’s item novel ni Inang Reyna (Ms. Sonia Francesca) under PHR!!! This calls for an extravagant celebration.Yipeeee!!!! At last iga-grant na rin ng PHR ang matagal na nating kahilingan. Here is the link to the video teaser of the upcoming The Sonia Francesca Collection under PHR. Enjoy!

The Sonia Francesca Collection… SOON.

Ang tanong, kailan? Kailan kaya ang release ng mga upcoming novels and reprints ni Ms. Sonia Francesca? Well I just hope that it would be sooner habang may budget pa ako. Hehehe! At least may assurance na at ito ang evidence. Kudos, Precious Hearts Romances. This goes to show that PHR is doing everything in their might to grant the requests of their beloved readers.😉

2012 in Review (Shucks ngayon ko lang nakita itey!)

The WordPress.com stats helper monkeys prepared a 2012 annual report for this blog.

Here’s an excerpt:

4,329 films were submitted to the 2012 Cannes Film Festival. This blog had 56,000 views in 2012. If each view were a film, this blog would power 13 Film Festivals

Click here to see the complete report.

Gomenasai!

Hello earthlings! Sorry I’ve been busy these past few months because of my teaching career. But since there is a sudden change of plans, I ended up being uhm… here again (Wahehe! Change of carrer ang peg.). Anyway, the purpose of this post is to know those who are interested of getting the passwords of my previous posts regarding Sonia Francesca’s Novels, Stallion Boys’ Real Identity, etc.

tumblr_mlo9y5bONX1rjj1tzo1_500

So, if you want me to send you the password, kindly write in the comment box of this post your e-mail address and your request. Naloloka kasi ako sa dami ng comments nyo sa mga posts ko kaya kung pwede dito nalang kayo mag-request para madali kong masala at makita kung sinu-sino ang sesendan ko ng passwords, okay?

Finally, I just wanted to say thank you sa mga madalas mapadaan dito sa simpleng blog ko ng mga kaadikan ko lalong-lalo na sa Stallion Boys na sana lang ay maging series na under Precious Hearts Romances Presents sa ABS-CBN. Grabe lang college pa ako pinapangarap ko na itey hanggang ngayong professional na ako wala pa rin, kalurkey! So pa’no ba yan, hanggang dito na lang muna. Cheerios pretty peepz and I’ll be expecting your requests!😀

New Release!: For The Love Of Jeremiah

Ten-tene-nen tenen!!! At last… KAMSAHAMNIDA PHR!

For The Love Of Jeremiah
By Sonia Francesca

Iniwan si Janeth ng kanyang ka-date na si Jaycob—ang bassist ng sikat na bandang Sentinel. Ayos lang iyon sa kanya dahil hindi naman ito ang puntirya niya nang gabing iyon kundi ang guwapong record producer ng banda—si Jeremiah.

Crush niya ito noong una pa lang niyang makita ito. Kaya nang magkaroon siya ng pagkakataon, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Iyon ang nagbigay-daan para magkalapit sila ng binata at makilala niya ito nang husto. Her crush blossomed into love because he was everything any woman would look for in a man.

Ang kaso, may girlfriend na ito.

Puwede pa siguro siyang sumubok. Tutal, girlfriend pa lang naman ito ni Jeremiah. Naniniwala siyang, all is fair in love and war…

Pahabol: Goldilocks and Her Prince & I Do… Take Two

Oh yeah! Bilang pahabol ng PHR, sa wakas ay may reprint na rin ang Goldilocks And Her Prince. Yung story na lang nina Dallas at Tanner (I Do… Take Two), at Preciosa este Pretzel at Alec (Birubiruan Ng Puso)  na lang ang kulang at makukumpleto na rin ang Pitong Berdugo Series ng Cafe Helenas, hehehe. Thank you PHR for granting our utmost requestssssssszzzzzz!!!!!

Goldilocks And Her Prince

“I don’t want fairy tales anymore. I just want you.”

Kahit dis-oras ng gabi ay sinugod ni Mae si Leanard sa bahay nito. Galing dito ang subpoena na natanggap niya at nagpapasakit ngayon sa ulo niya dahil sa di-sinasadyang pagkakadisgrasya niya sa bakuran nito.

“We need to talk,” matigas na sabi niya, ngunit ang mga mata ay hindi maiwasang maglakbay sa malapad na dibdib nito at pipis na tiyan. “Magbihis ka nga!”

Pero tila wala itong narinig, sa halip ay nanatili lang itong nakatayo naang tanging saplot sa katawan ay boxer shorts lang.

“You’re in my house so don’t you raise your voice on me, Miss. At tungkol sa subpoena, abogado ko na ang kausapin mo. Now, get out or I’ll take off my boxers in front of you.”

Natigilan siya, awang ang bibig na hawak pa rin ang subpoena. Nang marinig niya ang tinig nito ay tila noon lang muling nagbalik ang kanyang katinuan, ngunit hindi ang normal na tibok ng kanyang puso.

Hehe… heto pa!!! Ayiiiiiii!!!!!

I Do… Take Two

“I’ll make you happy every single day, every single minute, every single second until you get sick of it. But even that won’t stop me from loving you and making you happy.”

Panay ang parinig ng mga kaibigan ni Dallas sa kanya. Siya na lang kasi ang unattached sa kanilang magkakaibigan. Ang hindi alam ng mga ito, may asawa na siyang naiwan sa Australia.

Hindi sana malalaman ng mga ito ang tungkol doon kung hindi nagpakita ang magaling niyang asawa. Ang buong akala niya ay susunduin na siya nito, na sasabihin nitong bumalik na siya rito dahil hindi ito mabubuhay nang wala siya sa tabi nito.

Pero ang hudyo, sa halip na manikluhod, iwinagayway sa harap niya ang divorce papers nila!

New Release!: It’s Just You

Ayos! May new release na naman si Inang Reyna (Sonia Francesca). Kahit super busy ko hindi pwedeng hindi ko i-update ang blog. So guys, ipon-ipon na ulit tayo dahil mukha tinotodo na ng PHR ang pagpapasaya sa atin, hehehe! Sana magtuloy-tuloy na ‘to!!! AJA!

It’s Just You by Sonia Francesca

“If you want to fall in love with me, it’s fine. Go ahead and fall.”

Jeni was a very pampered princess to her rich parents. And since she was a princess, she ought to have her own prince. Isa lang ang naiisip niyang maging prinsipe: si Reno, ang kanyang high school ultimate crush. Nang magkita uli sila pagkalipas ng maraming taon, na-realize niya na matindi pa rin ang epekto nito sa puso niya.

Nang malaman niya na nangangailangan ito ng Cinderella—este, sekretarya, mabilis pa sa alas-kuwatrong nag-apply siya para mapalapit dito.

Pero paano kapag natuklasan niya na ang pinili niyang maging prinsipe ay iba pala ang gustong gawing prinsesa? Paano na ang kanyang “happy ever after”?