Tumblr Addiction

Well as a sequel to my previous post, I’m writing this one because among the many reasons why I cannot focus 100% on my studies, I consider Tumblr as the number 1. Hay… actually matagal na akong may Tumblr. Kaso lately ko lang nakita ang “kahalagahan” niya sa aking cyber social life bilang isang certified KPop addict. Naging medium ang Tumblr para ma-update ako sa whereabouts ng mga KPop idols. Hindi lang yun. Superkaduper colorful ang Tumblr dahil images ang karaniwang bino-blog ng mga users. Kaya naman nawili rin akong mag-post ng mga pictures ng KPop idols particularly my ultimate KPop bias, Tiffany Hwang of the girl group SNSD.

Ang resulta, palagi akong puyat at late sa klase kahit napakalapit na lamang ng apartment ko sa school. Hindi ko na magawa ang aking mga papers, assignments, reports, requirements, org works, etc. Eff Tumblr! Shit! Anong ginawa mo sa’kin. Ultimo pagrereview para sa exam nung Tuesday hindi ko  nagawa dahil sa kaadikan ko sa pagpo-post ng mga anik-anik sa Tumblr. Tapos habang padami ng padami yung nagla-like at nagre-reblog ng posts ko sa Tumblr, mas ginaganahan pa lalo akong mag-post. Shit na malagkit! Ano nang nangyayari sa buhay ko!!! Dati Facebook, ngayon naman Tumblr. Ano ba?! Kasalanan ito ng unlimited internet connection eh. Kasalanan rin ito ng mga developers ng mga social networks na tulad ng Facebook, Twitter, Tumblr, Plurk, Formspring.me, etc. At higit sa lahat, kasalanan ko ito. Masyado na akong nawawalan ng kontrol sa sarili ko kaya madali akong nadadaig ng kung anumang pwersa na gumawa ng mga walang kwentang bagay kaysa atupagin ang pag-aaral. Nakakahiya. Nahihiya ako sa sarili ko. At mas lalo akong nahihiya sa mga magulang ko. I feel so USELESS.😦

Emo mode… and I hate it. Hindi naman kasi ako likas na emotera.😦

  1. I can’t get enough of Sunny’s cuteness. Each member has different charm.

  1. August 28th, 2010
    Trackback from : Kara Korean Girl Group

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: