Archive for February, 2011

Sunday is Happy Day :)

Hello lovelies! Today is indeed not one of my ordinary days for four (4) special reasons.

First, nakakita na ako ng ilan sa mga old PHR novels na napakatagal ko nang hinahanap. Siyempre 2 klase lang naman ng PHR novels ang kinokolekta ko. 🙂

  1. Novels by Ms. Sonia Francesca
  2. Novels by Ms. Heart Yngrid

And today, nakakuha na ako ng copy ng Love, Lies and Alibis (yes, dito ko nakuha ang title ng blog ko) by Ms. Sonia Francesca at My Ex-Boyfriend’s Wedding, Love Mystery and Hired Husband by Ms. Heart Yngrid. Happiness!!! 😀 Nakakuha rin ako ng Skylander 10: Kristoffer Carlo, The Highland Devil. Have I told you guys that I also collect the whole Skylander Series? Okay Abigail special mention ka sa post na ito dahil ikaw ang dahilan kung bakit napasakamay ko na ang mga ito sa halagang P26,00 lamang. Thanks girl!

You can’t imagine how happy I am today, hahaha. 🙂

As of now marami-rami pa ang kakainin kong bigas bago ko makumpleto ang Sonia Francesca novels collection ko. 😦 Nakakita ako ng mga auctioned novels niya sa Facebook and I’ll tell you, sumakit ang bangs ko sa taas ng presyo. Wahahaha! Moving on, as of Ms. Heart Yngrid’s novels mukhang konti na lang ay makukumpleto ko na rin ang mga books niya. And for that, I wanna give myself another raise, teehee! 😀 Ito na lamang ang mga kulang sa Heart Yngrid collection ko:

  1. Tipsy in Love
  2. Hitch Catch
  3. Ten Sweet Dates
  4. Falling Into You
  5. A Kid For a Wife
  6. How To Kiss A Guy
  7. Wildflower
  8. One True Love
  9. Heir Of The Heart
  10. Wild Love
  11. The Midsummer Night’s Dream of Mandy
  12. The Taming of Tracey
  13. My Lovely Bride: Kimberlee & Markshin
  14. Men in Blue: A Devil In Disguise
  15. Undercover Maid (MSV)
  16. Housemates, Heartmates (MSV)
  17. Race Against Love (MSV)

Yes, yang lagay na yan ay konti na lang para sa akin compared naman sa mga kulang ko pang novels ni Ms. Sonia Francesca. Kapag nakupleto ko yun hay naku magpapamisa ako, hahaha.

The second reason why it’s indeed a Happy Sunday for me is because nakahanap na si Marilyn dear ng Her Own Prince Charming at Back To Your Heart novels by Ms. Sonia Francesca for me!!!! Yehey! Can’t wait for our meet-up girl. 🙂

Double happiness!!!

credits to: Marilyn for the pictures 🙂

This is an Advertisement: 😀

Kaya naman sa mga naghahanap diyan at willing bumili ng mga old novels ni Ms. Sonia Francesca just send Marilyn a message in her FB account and the list of the novels you’re looking for. These are her FB accounts: Jamm Pocketbooks Online and  Marilyn. PM her para mahanapan din niya kayo ng mga novels ni Ms. SF na gusto niyo. Okay? Alright, hehehe. Or you can just leave a comment on this post consisting of your request list if you’re interested.

Third, I read a post na nasa warehouse na ng PHR ang reprinted copies ng Los Caballeros Series by Ms. Sonia Francesca! Kindly refer to my previous post for the details. And according to my friend in FB, kapag meron nang copy sa warehouse ng PHR, by Wednesday ay meron na rin daw sa PHR outlets (I’m not sure kung meron na rin sa National Bookstore nito sa Wednesday). Yipee!!! Sana nga by Wednesday ay meron na nito sa Precious Pages dito sa SM Manila. Triple happiness!!!

Finally, it’s an Ecstatic Sunday for me dahil nahanapan ako ng kapatid ko ng Tell Me When To Love You by Sonia Francesca nang hindi niya sinasadya. Tama. Unexpected ang pagkaka-obtain niya ng Sonia Francesca novel na yun dahil mahilig siyang makipag-swap ng PHR pocketbooks sa mga boardmates niya. Aba buti na lang nakita ko agad yung copy ng novel na yun habang naghahanap ako ng makakain sa kanyang bag (patay-gutom? hahaha!). Pagkakita ko nun, hinablot ko talaga agad sabay sabi sakanya na “Akin na lang ito ha. Wag kang mag-alala papalitan ko ng ibang PHR novels na mas bago pa.” Siyempre natuwa naman siya, hehe. Naku kung alam lang niya kung magkano ang value ng book na iyon kapag pina-auction sa FB, hahaha. Sabi n’ya, “Naku Ate buti nakita mo agad. Balak ko sanang i-swap yan bukas sa boardmate ko ng ibang PHR novels kasi tapos ko nang basahin yan.” Hehehe. I’m so proud of myself. 😀

So that’s the whole story. Hindi ko na kukuhanan ng litrato ang librong iyon dahil kalunos-lunos na talaga ang itsura, hahaha. But I don’t really care. Ipagpapalit ko ang pinakabagong PHR novel makakuha lamang ng old novels ni Ms. Sonia Francesca. Sabi ko nga, “Ganyan ang dakilang kolektor.” Pero sabi naman ng kapatid kong si Michael, “Ganyan ang dakilang adik.” Hahaha!!! Ang epal talaga ng bubwit na yun.

Whew! Napagod ako sa pagkukwento. 10:oo AM pa lang pero parang napakarami nang napakagandang bagay na nangyari sa akin. Lord, salamat po! So hanggang dito na lang muna. Toodles!

Advertisements

Kudos, Los Caballeros!

O. M. freakin’ G! Hello mga diwata. 🙂 Nagawi lang ako saglit para i-share sa inyo ang isang napakagandang balita!

Ang ganda ng cover ‘no?

credits to: Sonia Francesca and Sofia’s Fanatics page for the picture (uploaded by renzie)

While I was browsing through Sonia Francesca and Sofia’s Fanatics page in FB, I saw this certain post that made me superkaduper happy the whole day. According to the post, the reprint of Ms. Sonia Francesca’s Los Caballeros Series will be out soon! I was like “heck yeah!” and was jumping like crazy, hahaha. The long wait was finally over. Sa wakas mare-reprint na rin ang LC. Mabuti na lang at hindi natuloy ang pagbili ko online ng books ng LC dahil sobrang mahal talaga ng mga iyon for the added value (dahil collector’s item daw) not to mention the shipping fee, wahehe. Yay! At least now mae-enjoy na ng lahat ang Los Caballeros Series at its regular price. So ngayon pa lamang I advice na mag-ipon-ipon na tayong lahat para sa nalalapit na reprint ng LC. Especially yung mga addicts sa novels ni Ms. Sonia Francesca (*ehem* like me *ehem*). OMG I can’t wait to get my hands on those goodies *spazzing forever*.

Thank you PHR! This only proves na hindi naman nagbibingi-bingihan ang mga kinauukulan ng PHR sa mga requests ng mga fans for reprints. Kailangan lamang ng kaunting patience. Sabi nga ng Mommy ko, “There is a right time for everything.” Cheerio!

PS: Natuwa ako sa reprinted cover design ng Los Caballeros books. Hangkyut! teehee.

Stallion Riding Club Reloaded

Hello lovelies! I’m too happy today because I found high quality pictures of Tagaytay Highlands aka The Stallion Riding Club. I just thought you might wanna see it too so I made a slideshow out of it. Kung mapapansin nyo kasi, medyo blurred yung mga pictures dun sa una kong post regarding this topic. Matagal ko na sanang gustong maghanap ng mga high quality pictures ng Tagaytay Highlands at i-upload kaso palagi ko naman nakakalimutan. Buti at medyo hindi magulo ang utak ko ngayon kaya naalala ko yung previous plan ko. Hehehee… In addition, nakakuha pa ako ng marami-raming additional pics so now it’s a total of 143 elegant photos (naks, I Love You). 😀 So relax, watch, and enjoy!

Disclaimer: The pictures are definitely not mine. I found these pics at http://webshots.com/. Special credits goes to the owners/uploaders: edandjude, papajingpangilinan, and kayvan24.

This slideshow requires JavaScript.

Personally, pagkakita ko sa mga photos na ‘to parang gusto ko nang i-request sa parents ko na ang graduation gift na lang nila sa akin ay trip to Tagaytay Highlands. Hahay. Sino ba namang hindi mai-inlove sa ganitong lugar. No wonder ito ang ginawang inspirasyon nina Ms. Sonia Francesca at Sofia sa paggawa ng SRC series. Napansin ko lang absent yung mga kabayo ng Stallion boys sa mga pictures, hehe.

So that’ll be all for now. Inaantok na talaga ako e. Mga one week din akong hindi makakapag-blog since thesis defense ko na. Wish me luck, hehe. Good MorNight and God Bless y’all! 🙂

PHR Grand Fans Day 2011!

Yay, can’t wait! 🙂

Hello magagandang friends and super friends!!! Kung malapit kayo sa SM North Edsa, punta tayo sa PHR Grand Fans Day sa March 26, 2011! Tamang-tama, Saturday siya which means… no classes! Well except for college students who sometimes have their class/es scheduled during Saturdays. But other than that… hooray! Party, party. Let’s hope na makadalo ang Inang Reyna aka Ms. Sonia Francesca sa nasabing event. Siyempre ini-expect ko rin na makita ng bonggang-bongga ang isa ko pang favorite PHR write na si Ms. Heart Yngrid. So, sinong pupunta?

Oo. Pupunta ako. Sure yan, hehe. Yehey. So paano ba yan, kitakits na lang tayo mga kakosa! Babush for now. 😀

SRC Guessing Game Part 1

Okay I’m bored. Kaya naman napag-isipan kong magpa-game na lang para masaya hehehe. Kung fan kayo ng Stallion Riding Club Series nila Ms. Sonia Francesca at Ms. Sofia, chicken lang sa inyo ang guessing game na ito. So without further ado, here’s the mechanics of the game.

  1. I’ll post some GIFs of Asian/Foreign actors/models then hulaan ninyo kung sinong Stallion Boy siya.
  2. Answers should be placed in the comment box. 😀
  3. Take note: Ang dapat na sagot ay yung name niya as an SRC CHARACTER hindi yung REAL NAME. Huwag pasaway okay. For example: LEE SHIN YANG. 🙂
  4. Dapat in chronological order yung sagot ninyo. You may opt to put numbers on your answers. For example: 1) Lee Shin Yang, 2) Daboi Bustamante, etc.
  5. Mas complete yung name nung character, much better. Dito mate-test kung gaano niyo talaga kakilala ang mga handsome boys ng SRC, hehehe. For example: instead of Eiji Romero, it’s better if you put his complete name which is… Eiraun Jimuel Romero. 🙂
  6. Be patient. Medyo matagal kung mag-load yung mga GIFs especially kung mabagal ang connection niyo. Gumagalaw kasi yun na mga pictures kaya medyo mabigat yung file. Kaunting tiyaga lang mga kapatid, hehehe.
  7. Clue: you can have multiple answers per picture. Why? If you’re really familiar with the characters, you’ll know why. 🙂
  8. Para saan ito? —-> KATUWAAN LANG. Hehehe. Naisipan ko kasing gumawa ng mga GIFs nila kagabi since bored na bored talaga ako at hindi ko pa maituloy yung thesis ko, nyahaha.
  9. So that’s it! Are you ready?

LET THE GAME BEGIN! 😀

Continue reading

Mom Sure Knows Best :)

Hehe… this picture is just perfect for my story. 🙂

Last Sunday night, while I was in the kitchen with my Mom…

Me: Mommy, bakit po ganon? Parang nahihirapan po akong makapag-concentrate sa pag-aaral.

Mommy: ANAK! INLOVE KA?!?

Me: Hala hindi po! Masyado lang po kasi akong naa-addict sa internet.

Mommy: Prayers lang ang katapat niyan anak. Just pray.

Me: (naku Mommy kung alam mo lang. Tama ka, wahaha!) 😀

Ibang klase talaga ang radar ng mga mapagkalingang ina. Hahaha! Ma, you’re the best! Muntik mo na akong mabuking… woooo!! Buti na lang isa akong professional denial queen, hehe. This is why I love having conversations with my Mom. 🙂

Ouran High School Host Club

I had a very very lame Valentines Day. Paano wala naman akong ka-Valentines so it turned out, I just slept all day, hahaha. Oh well papel, let’s proceed to the main reason why this post was made in the first place. 🙂

I just feel like posting my most favorite anime of all time. Ilang beses kong hinintay yung Part 2 nito dahil sobrang bitin yung anime pero hanggang ngayon, wala pa rin. Hay… sana gawan na lang nila ng live action para mas masaya, hehe.

Here are some of my favorite scenes from that anime.

My most favorite scene. So sad. And I even thought they would kiss here, keke. 🙂

I’m a hardcore Tamaki-Haruhi shipper so I really really wanna see the full version of this anime. I love the manga so it’d be better if they stick to the story as it was written in the manga if ever they’re still willing to do a sequel of this anime. Okay I think they better do a sequel of this anime… or else. Hahahaha! Nothing. As if may magagawa naman ako. But until now I’m still not losing hope that Bisco Hatori (the creator of this anime/manga) would wake up to her senses and start making Ouran High School Host Club Part 2, haha. I better get back to my homework now while there’s still a single ounce of motivation left in my body. Toodles! 😐