Archive for March, 2011

SRC Guessing Game Part 2

Hello! So tinatamad na naman akong ituloy ang paper ko kaya gumawa ulit ako ng isang guessing game. Bale sequel ito ng nung SRC Guessing Game Part 1 (well duh, halata naman sa title pa lang hehehe).

So para sa mga first time pa lamang na sasagot, before answering (commenting) this kindly read first the mechanics of the game right here. Wala po sanang pasaway, wahehe. Baka po mapagalitan ako. 😀

So without further ado…

LET THE GAME BEGIN! 😀

1) Who’s that Stallion hunk? 😉

2) How about this guy? 🙂

3) Can you guess this Stallion boy? 😀

4) Para sa 2mataginting na 2-points…. the who?

Were you able to guess everything right? Here is the point system:

5 – Certified SRC Genius to the Nth Power. Ibang klase ka! 😀

4 – Outstanding SRC Babe. May future ka. Hehehe. 🙂

3 – Nice one! Inom pa tayo ng Sustagen Prime for sharper memory, hehe. Para next time, perfect na!

2 – Nagbasa Ka Ngunit Kulang, wahehe. (parang pamagat ng pelikula ‘to a)

1 – Medyo may malalim kang iniisip habang sinasagutan ang game na ito. 😐

0 – Ay Ate, nagbasa ka ba talaga? 😦 Hehe… *peace!*

Napansin ko lang ha, medyo madali yata ngayon yung puzzle. Hay… paano ba naman wala na talaga akong mahanap na matinong videos ng mga irog natin, hehehe. Pasensya na. Ang YouTube naman kasi gahaman sa copyright chorva na yan ang dami tuloy relevant videos na nabubura. Maganda pa namang source yun ng gif pics. 😦

Anyway, nag-enjoy ba naman kayo? Okay pa ba sa inyo ang Part 3? Kindly comment below coz I really wanna know your opinion. Go, go, go pa ba? O stop na? (char!) 😀

O siya pipilitin ko nang ituloy ang naudlot kong paper. Until next time. Godbless everyone. Cheerio! 😀

Advertisements

Latest Addition :)

Kakatapos lang ng defense ko kaya naman may K na ako ngayong pagtuunan ng pansin ang iba pang importanteng bagay… which is my pocketbook collection, hehehe. 😀 Okay naman ang kinalabasan ng aking presentation. Finishing touches na lang at ga-graduate na ako. Wooooohhh!!!! Anyway as you can see, may mga bago na naman akong add-ons sa aking pinakamamahal na collection. 🙂

Nakabili na ako ng latest series ni Ms. Heart Yngrid, ang Love Me Again. Nakakatuwa kasi after ma-release yung first book ng series which is Scheming Hearts, a week after na-release na agad yung second book which is Battle of Love. Yay! Tuwang-tuwa talaga ang lola mo, hahaha! At ito pa, masayang-masaya rin ako dahil binati ako ni Ate Heart dun sa first book ng LMA series niya. Pagkabasa ko ng name ko dun sa Scheming Hearts halos magtitili talaga ako sa sobrang tuwa. And my roommates were like, “Hey, are you okay?” Hahaha… akala siguro ng mga iyon eh tumama na ako sa lotto. Tuwang-tuwa rin yung mga kapatid ko nung mabasa nila yung name ko. Sabi nga nung isa ipabati ko rin daw siya, hehehe. 🙂

Moving on… nakabili na rin ako ng reprinted copies ng Los Caballeros. Hay mabait pa rin talaga si Lord dahil karamihan sa wishes ko for 2011 ay unti-unti na niyang tinutupad, hehehe. Una, yung reprint ng Rancho Estate, then yung reprint ng Fairy Tales and A Love Bet. Ngayon, reprint naman ng Los Caballeros. Yey! This also shows na hindi naman nagbibingi-bingihan ang PHR sa mga requests ng pocketbook fans na tulad ko. Mabuti na lang talaga at hindi natuloy ang pagbili ko online ng Los Caballeros series. Ang mahal pa naman ng patong nung seller na yun sa mga LC books niya tsk.

Anyway hindi rin madaling makahanap ng reprinted copies ng Los Caballeros. Pagdating ko sa Precious Pages sa may SM Manila, ubos na lahat ng copies. Sobrang depressed ako nun. Kaya naman nagbakasakali ako sa National Bookstore. Mukhang sinuswerte naman ako at nakahanap ako ng isang set ng Los Caballeros series doon. Kaya naman sa mga naghahanap ng LC series at isa kayo sa mga katulad kong naubusan na ng copies gayong kaka-reprint pa lamang, try niyong magpunta sa pinakamalapit na National Bookstore sa inyo. Baka doon ay may makita pa kayong naliligaw na copy ng LC, hehehe. 😀

 

O siya sige. Magco-cover muna ako ng mga bago kong koleksyon. Toodles! 🙂