Latest Addition :)

Kakatapos lang ng defense ko kaya naman may K na ako ngayong pagtuunan ng pansin ang iba pang importanteng bagay… which is my pocketbook collection, hehehe.😀 Okay naman ang kinalabasan ng aking presentation. Finishing touches na lang at ga-graduate na ako. Wooooohhh!!!! Anyway as you can see, may mga bago na naman akong add-ons sa aking pinakamamahal na collection.🙂

Nakabili na ako ng latest series ni Ms. Heart Yngrid, ang Love Me Again. Nakakatuwa kasi after ma-release yung first book ng series which is Scheming Hearts, a week after na-release na agad yung second book which is Battle of Love. Yay! Tuwang-tuwa talaga ang lola mo, hahaha! At ito pa, masayang-masaya rin ako dahil binati ako ni Ate Heart dun sa first book ng LMA series niya. Pagkabasa ko ng name ko dun sa Scheming Hearts halos magtitili talaga ako sa sobrang tuwa. And my roommates were like, “Hey, are you okay?” Hahaha… akala siguro ng mga iyon eh tumama na ako sa lotto. Tuwang-tuwa rin yung mga kapatid ko nung mabasa nila yung name ko. Sabi nga nung isa ipabati ko rin daw siya, hehehe.🙂

Moving on… nakabili na rin ako ng reprinted copies ng Los Caballeros. Hay mabait pa rin talaga si Lord dahil karamihan sa wishes ko for 2011 ay unti-unti na niyang tinutupad, hehehe. Una, yung reprint ng Rancho Estate, then yung reprint ng Fairy Tales and A Love Bet. Ngayon, reprint naman ng Los Caballeros. Yey! This also shows na hindi naman nagbibingi-bingihan ang PHR sa mga requests ng pocketbook fans na tulad ko. Mabuti na lang talaga at hindi natuloy ang pagbili ko online ng Los Caballeros series. Ang mahal pa naman ng patong nung seller na yun sa mga LC books niya tsk.

Anyway hindi rin madaling makahanap ng reprinted copies ng Los Caballeros. Pagdating ko sa Precious Pages sa may SM Manila, ubos na lahat ng copies. Sobrang depressed ako nun. Kaya naman nagbakasakali ako sa National Bookstore. Mukhang sinuswerte naman ako at nakahanap ako ng isang set ng Los Caballeros series doon. Kaya naman sa mga naghahanap ng LC series at isa kayo sa mga katulad kong naubusan na ng copies gayong kaka-reprint pa lamang, try niyong magpunta sa pinakamalapit na National Bookstore sa inyo. Baka doon ay may makita pa kayong naliligaw na copy ng LC, hehehe.😀

 

O siya sige. Magco-cover muna ako ng mga bago kong koleksyon. Toodles!🙂

    • renren
    • March 16th, 2011

    haha, nice! Congrats!!! Ako din magko-compre, kaya hindi muna ko makakapagbasa… Ang cute nung cover, pansin ko parang naiba sila, tama ba ko? Mas cute ung ngaun … sana sinama mo din ung pcture mo, hehe, nkatakip ung pocketbook.🙂 sinearch ko ung name mo sa facebook. ikaw un cguro kasi may UP nakalagay sa school🙂

    • Tama ka. Mas cute yung cover ngayon, hehehe. Nahiya naman ako kaya hindi ko na kinuhanan ang sarili ko, wahehe.😆 Anyway, goodluck sa compre mo! Ganbatte!😀

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: