Liars

Hello lovely people! Matagal din akong hindi nakapag-update dahil busy-busyhan ang lola ninyo dahil ga-graduate na siya! Weeee!!! Hahahaha! After four years of bloody college life in University of the Philippines, finally makakalaya na rin ako. Hehehe. Natuwa rin ang parents ko dahil bukod sa ga-graduate ako on time, I’ll graduate with flying colours. Nagpapasalamat talaga ako sa Diyos dahil hindi ko akalaing magku-Cum Laude ako. Pinangarap ko lamang na grumaduate on time pero sadyang napakabait ng Diyos at binigyan pa talaga ako ng bonus. And for that, THANK YOU LORD!🙂

Pero sabi nga nila, you can’t have everything. Nalulungkot ako dahil recently ay may mga taong hindi naging maganda ang pakitungo sa akin. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay iyong taong hindi marunong tumupad sa pangako at higit sa lahat, SINUNGALING. Ise-share ko lang sa inyo ang naging karanasan ko sa dalawang taong ito. Noong una ay maayos naman ang pakitungo ng dalawang ito sa akin. Actually nakinabang pa nga sila sa mga e-books mula dito sa site ko which is, wala naman akong reklamo dahil masaya naman akong natutulungan yung mga taong adiktus talaga sa mga nobela ni Ms. SF.

Kaso itong si Mystery Person #1, pinangakuan ako na hahanapan ng mga books ni Ms. Sonia Francesca at Ms. Heart Yngrid na wala pa ako at saka ibebenta niya sa akin sa presyong kaibigan. Yun bang hindi kasing-mahal ng mga PBs na ibinebenta sa Facebook ng mga online sellers kung saan ang presyo ay umaabot sa Php75-150 kapag SF at HY PBs na ang pinag-uusapan. Natuwa naman ako kasi nga siya mismo ang nag-offer na hahanapan ako at ang sabi pa niya Php35 lang niyang ibebenta yung SF novels na mahahanap niya (at regular price naman, which is Php37 yung HY books). Take note, hindi ako ang nanghingi ng pabor, siya mismo ang nag-offer ng help kaya naman naniwala ako na tutuparin niya. Ang kaso, nung kukunin ko na yung mga books biglang ang sabi niya ay Php90 na raw ang presyo! Imagine from 35 naging 90! Hay… parang hindi tao kausap. So in a nutshell, sobrang na-disappoint talaga ako. Sabi ko pa naman sa kanya noon kaya hindi ako makabili ng mga old novels nina Ms. SF at Ms. HY ay dahil sobrang mahal talaga ng patong at minsan ay pinapa-bid pa eh isa lamang po akong hamak na estudyante. Don’t get me wrong, hindi ako nagagalit sa mga online sellers na mahal kung magbenta ng mga pocketbooks because it’s their prerogative dahil “pinaghirapan” nilang hanapin yung mga books na iyon. Ang sa akin lamang ay NANGAKO SIYA kaya sana naman ay magkaroon siya nang palabra de honor at tupdin niya kung ano ang napag-usapan. In fact, sana hindi na lamang siya nag-alok ng tulong at nangako para walang samaan ng loob in the first place.

Moving on, ito namang si Mystery Person #2 ay medyo wala ring pinagkaiba kay Mystery Person #1. Parehas silang hindi marunong tumupad sa napagkasunduan. Hindi ba’t kabilin-bilinan ko walang password or e-book na maaaring mag-leak mula sa site na ito kung hindi ay mabuti pang itigil ko na lahat ng mga freebies na meron dito. Pero matigas pa rin ang ulo ng tao na ito, ipinamigay pa talaga ang mga PDF copies na animo’y hindi marunong magbasa ng mga panuntunan na kaakibat ng pabor na hiningi niya. How did I know? Well, I have my ways. Malas niya lamang dahil nagkataon na nakilala ko yung isang tao na pinagbigyan niya ng mga PDF copies na wala man lamang pahintulot. Nakakalungkot at nakakainis.

Layunin kong matulungan ang mga katulad kong super fan ni Ms. Sonia Francesca na hindi makahanap and/or maka-afford ng mga novels niya dahil either wala na sa market, wala pang reprint or super mahal talaga ng presyo dahil madalas naisasama sa bidding/auction. Na kahit papaano, in a way, mabasa man lamang nila yung mga collector’s item novels ni Ms. SF saang panig man sila ng mundo. Pero kung ganitong parang hindi kayo tao kausap, mabuti pang magkalimutan na tayo. Kayo na nga itong binigyan ng pabor, kayo pa itong abusado. Huwag naman sanang ganyan. Matuto naman po sana tayong sumunod sa mga simpleng kondisyon. Ang hirap naman po sa ibang tao diyan aba’y napakagaling manghingi, eh napakahina namang tumupad ng pangako.

Kaya nga po ipinagpapasa-Diyos ko na lamang po ang dalawang tao na ito. Na sana dumating yung araw na ma-realize nila ang mga pagkakamali nila at huwag nang gawin sa iba ang ginawa nila sa akin. Matuto sana silang tumupad sa kanilang pangako at sundin ang mga kaakibat na rules and regulations ng mga pabor na hinihingi nila.

Napakasaya ko dahil sobrang blessed po talaga ako – mula sa pagkakaroon ng buo at masayang pamilya at mga mabubuting kaibigan, hanggang sa mga magagandang opportunities na dumarating sa buhay ko. Alam kong hindi perpekto ang buhay. Mayroon at mayroong darating na mga balakid na susukat sa tatag ng bawat tao ngunit alam kong malalagpasan ko din ang mga iyon basta’t hindi lang ako makakalimot na manalig.

Ay naku naman, sige na nga bago pa tuluyang tumulo ang sipon este luha ko, magpapaalam na muna ako. Masyado na akong nagiging emosyonal. Ganito yata ang epekto nang nasosobrahan sa chocolates, hehehe. Anyway, kailangan ko pang asikasuhin ang mga requirements for graduation like university and college clearance, graduation dress, toga, and sablay. May you all have a nice day and God Bless!😀

    • mitsziko takeo
    • April 16th, 2011

    wew…congrats po ate sabbie!!!…sayang d q na po pla kau maabutan…

    • ceejay
    • April 17th, 2011

    Hello Isabel..BINABATI KITA SA IYONG PAGTATAPOS!(mayor of QC)hehe, joking! i saw your post last time sa fb ’bout pb auctions, swerte mo nakuha mo na ung buks mo,,ayaw ko ksi ng auction ang mahal na nakakapraning pa..buruin mo P76.25! may butal pa!haha!…tsaka na ako sasali sa mga ganyan pagpakiramdam ko wala na pagasa @ malapit na ko natuyuan ng utak..so ngayon il just keep on searching sa ating belabed SF pb..yung mga peeps na umaway sayo ako bahala–sige karma nalang pala.

    congratz uli…gandahan mo smile sa toga pictorial mo ha!
    Fighting!

    • Maraming maraming salamat Mayor Ceejay!!!! Hahay!😀

    • may
    • April 19th, 2011

    Hi! Wow..major congatulations Isabel! ang mga taong ganun ay di na dpat pinagaaksayahan ng panahon..nakakalungkot isipin na may mga tao talang walang isang salita..anyways, just continue to count your blessings! Congrats uli sa pagkacum-laude mo🙂 ang talino mo pala! hehehe🙂

    • Hahay! Major major THANK YOU sa pagbati, May!!! Have a Blessed Holy Week to you and your family!😀

  1. grabee naman yang mga mystery person na yan…walang delikadesa….ay….congratz nga pala muna ate!!!!! buti ka pa tapos na…ako 1 year pa ang bubunuin ko sa pangit naming school…pagit na nga magturo pangit pa ugali ng mga nagtuturo…haist…bad girl na naman ako..hehe….GOOD LUCK sa iyo ate…..pagbutihan mo pa lalo for your future….

    • Hay naku sinabi mo pa. Diyos na lang ang bahala sa kanila.

      Anyway salamat sa pagbati! Kaya mo yan, kung ako nga kinaya ko ikaw pa kaya. Patience and perseverance lang ang katapat niyan at ga-graduate ka rin. Goodluck din sa future undertakings mo and may you have a blessed Holy Week.😀

    • cielo legaspi
    • April 24th, 2011

    wow galing niyo naman…. nakapagtapos kayo with flying colors…. congratz!!!!

    hay!!! nangyari na sa akin yan… mga manloloko sila, wala silang isang salita… bahala na lang silang makarma….

    congratz ulit and more blesssings to come sa inyo….

  2. hello po

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: