Archive for May, 2011

SRC Guessing Game Part 3

Aloha pretty people! Sa wakas ay nagkaroon na rin ako ng time para gumawa na naman ng isang SRC Guessing Game. Kamusta naman kayo? Sana ay na-enjoy ninyo ang inyong summer vacation kahit sobrang maalinsangan ang panhon. Napadpad na ba kayo sa SRC Guessing Game Part 2? I’m sure kung super fan kayo ng mga Stallion boys mape-perfect niyo iyon. So without further ado, inihahandog ko sa inyo ang third set ng SRC Guessing Game. Hope you enjoy the game!

And oh, before anything else pala, para sa mga first time pa lamang na sasagot before answering (commenting) this, kindly read first the mechanics of the game right here. Wala po sanang pasaway, wahehe. Baka po mapagalitan ako. 😀

So ito na talaga. Ready, set, go!

Sabi nga ni Iñaki… ARRRYAAA! 😀

1) who’s that SRC hunk? 🙂

2) eto ngiti pa lang, ulam na… hehehe! 😀

3) Itadakimasu!

4) he winked, I died twice… for 2 points, who is this charmer? 😉

Were you able to guess everything right? Here is the point system:

5 – Certified SRC Genius to the Nth Power. Ibang klase ka! 😀

4 – Outstanding SRC Babe. May future ka. Hehehe. 🙂

3 – Nice one! Inom pa tayo ng Sustagen Prime for sharper memory, hehe. Para next time, perfect na! 🙂

2Nagbasa Ka Ngunit Kulang, wahehe. (parang pamagat ng pelikula ‘to a)

1 – Medyo may malalim kang iniisip habang sinasagutan ang game na ito. 😐

0 – Ay Ate, nagbasa ka ba talaga? 😦 Hehe… *peace!*

Hayy… napagod ako. Napakaraming updates ngayong week na ‘to. At halos lahat ay puro positibo. 🙂

Sige kakain muna ako ng handa ng kapatid ko. By the way, birthday niya pala ngayon. “Happy happy birthday sisterette!!!! I bought you the Beastly novel as a gift. Hope ‘ya like it!”

I’m gonna surprise her later with my present. Wish me luck, lovely creatures. Till the next SRC Guessing Game. Ciao! 😉

Advertisements

Ms. Sonia Francesca as “Cherie Lei”

Ang update na ito ay para sa mga fans ng mga nobela ni Inang Reyna aka Sonia Francesca. Actually kasasagap ko lang ng balitang ito. Kung magagawi kayo sa page ko na M.E. SF Novels, malalaman ninyong magsusulat na rin sa ibang publications si Ms. Sonia Francesca pero hanggang ngayon ay naghihintay pa rin tayo na i-release na ang kanyang mga obra mula sa Dream Love, My Special Valentine, at Chapters and Pages. But I think makakabasa na ulit tayo soon ng ilan sa mga bagong obra ni Ms. SF under different publication, and of course, a different pen name.

Kanina lamang ay naligaw ako sa isang page sa FB kung saan nakita ko ang ilan sa mga covers and teasers ng mga nobela ni Ms. SF under Chapters and Pages (specifically, Chapters of the Heart) kung saan ang ginamit niyang nom de plume ay Cherie Lei. Here are the teasers and the book covers. Kung hindi n’yo mabasa yung nakasulat sa teaser, kindly click the image and it will lead you to a higher quality image or you may go to this website for the teasers:  www.iheartfrance.blogspot.com. Araso? 😉

♥♥♥

Loving Alucard

♥♥♥

Back To You

Naalala niyo pa ba sina Andy (na kapatid ni Sam), at Christian  (na kapatid ni Nathan) ng “Kissing Miss Wrong”? Hindi ba’t may sarili silang kwento na sa kasamaang palad ay hindi nai-release which is — “This Girl’s In Love With You, Pare”.

Pwes, ito na ang katuparan ng kanilang naudlot na love story. 🙂

♥♥♥

I Love How You Love Me

♥♥♥

O, nabitin ba kayo sa mga teasers? Ako rin eh, hehehe. At least ngayon alam na natin na magkakaroon na talaga ng new release si Ms. SF kahit under different publication and different nom de plume. 😉 Oo nga pala June 6, ang scheduled release ng mga nobelang ito kaya naman huwag niyo sanang palalampasin at ngayon pa lamang, mag-ipon-ipon na tayo! Woo!!! 😀

Hay grabe lang, ang saya-saya talaga! Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan dito sa Maynila ay ang bonggang pagbuhos din ng magagandang balita, hehehe! Thank you Lord! 🙂

Kahit saan mang publication magsulat si Ms. Sonia Francesca, susuportahan ko pa rin ang bawat obra niya — dahil para sa akin siya lamang ang nag-iisang reyna ng kwela-nobela. Cheerio! 😀

P.S.: Para sa mga supporters ni Ms. SF na gustong ma-update ng novels niya under Chapters of the Heart (under Chapters and Pages), kindly like this page –> Cherie Lei and Caitlin Fei of Chapters of the Heart and show your support by buying her novels upon their release and by spreading the word (rather, link). Arigatou gozaimasu!

Ouran Live Action… finally!

At last the long excruciating wait is over! Umandar na naman ang aking pagiging otaku nang mabasa ko mula sa JPop Asia na magkakaroon ng live action ang aking most loved anime of all time, walang iba kundi ang Ouran High School Host Club! You can imagine kung gaano ako kasaya nang biglang mag-pop out ang balitang iyan out of nowhere mula sa aking FB newsfeeds, hohoho! Para sa mga Ouran fans like me, here’s the much awaited press release and this time, I think it’s already official:

Popular anime series Ouran High School Host Club will be aired as a live action drama series. The drama will begin airing in July.

The romantic comedy series Ouran High School Host Club started off as a manga series that debuted in LaLa in August of 2003. An anime adaptation of the series was then aired in April of 2006, becoming a hit series. Now the series will become a live action drama series in July of 2011.

The July issue of LaLa magazine revealed the plans for the drama version of the hit series. Ouran High School Host Club will air on TBS. Yusuke Yamamoto stars as the host club’s president, Tamaki Suo. Haruna Kawaguchi stars as the female lead Haruhi Fujioka.

Ouran High School Host Club is the story of Haruhi. She pretends to be a boy so she can join her school’s Host Club. The romantic comedy focuses on the relationships within the club.

via: Arama They Didn’t, JPop Asia
source: LaLa Magazine

In addition, here are the cast of the upcoming live action:

Kawaguchi Haruna as Fujioka Haruhi

♠♠♠

Yamamoto Yusuke as Suou Tamaki

♠♠♠

Daito Shunsuke as Ootori Kyoya

♠♠♠

Takagi Shinpei and Takagi Manpei as Hitachiin Hikaru and Hitachiin Kaoru

♠♠♠

Nakamura Masaya as Morinozuka Takashi

♠♠♠

Chiba Yudai as Haninozuka Mitsukuni

♠♠♠

Ryusei Ryo as Nekozawa Umehito

via Tokyograph, JPop Asia
Source: Mantan Web, Natalie

Well I think the cast is almost perfect, though I somewhat had a different live action Tamaki and Haruhi character bets to begin with, kekeke (I was secretly rooting for Horikita Maki and Ikuta Toma for the live action remake of Ouran). Oh well, whatever! What’s important is that Ouran will finally be in live action! And this time, I wish it’ll have a perfect ending.

I totally can’t wait for July to come. This news absolutely made my day. Ouran jjang!!!

Hard Work Pays Off

Bonjour lovely creatures! Pasensya na kung ngayon lamang ako nakapag-post ulit. Hindi ako makagawa ng SRC Guessing Game Part 3 dahil ayaw mag-upload sa Imageshack ng mga gifs na ginawa ko kaya naman medyo sadness ang lola niyo ngayon.

Anyway on a brighter side, umabot na ng 1000+ likers ang Facebook page petition na Request for Reprint Sonia Francesca Single Novels. Which only means… magkakaroon na talaga ng reprint of Sonia Francesca’s novels under PHR Collections!!! Yahoo!!! At siyempre isa ako sa 1000+ na nag-like ng page na ‘to kaya para sa hindi pa nakakapag-like, i-like n’yo na para mas ma-pressure ang PHR management na i-reprint na ASAP ang mga bonggacious na nobela ng ating Inang Reynang si Ms. Sonia Francesca.

Nakita n’yo naman kung gaano karaming readers ang nag-aasam ng reprint ng mga novels ni Ms. SF kasi nga super out na talaga sa market at madalang pa sa patak ng ulan sa disyerto kung makita ang mga obra ni Ms. SF. Meron namang iba, kung hindi ipapa-auction, napakataas naman ng patong sa presyo dahil nga naman daw super collectors’ items na. Whatever!

Kaya naman sana magkaroon na ng reprints ang kanyang mga obra under PHR Collections. I’m sure maraming mga super fans ng novels niya (ehem like me ehem) ang magbubunyi. Actually, nag-conduct pa nga ako ng sarili kong poll kung ano sa tingin ng mga PHR readers na bumubisita sa site ko ang dapat na susunod na i-reprint na nobela ni Ms. SF. At ito ang naging resulta:

Congrats to Cafe Helenas’ Pitong Berdugo!!! 😀

Ahm… para sa mga hindi nakapansin ito yung dating black rectangle thingy na nasa right sidebar ng blog na ito, hehehe. Nakita niyo naman, among all her series, yung pseudo-series pa niya ng Pitong Berdugo ng Cafe Helenas under PHR Collections ang nais mai-reprint ASAP ng mga PHR readers like me. So to the PHR management, na-exhaust na po namin ang lahat ng paraan para magka-reprint na po ang mga obra ni Ms. SF. Pursigido po talaga kaming magkaroon ng sarili naming hard copy ng mga nobela ni Ms. SF. Kaya po sa nalalapit na reprint ng mga bonggang-bongga at kwelang nobela ng Inang  Reyna, MARAMING MARAMING SALAMAT PO! 😉

Indeed, hard work pays off. The harder you work, the luckier you get, ehehe. Cheerio!

P.S.: According to Ms. SF (via Facebook), dinala na daw  niya sa PHR office yung mga copies ng old novels niya last week kasi tinawagan daw siya ng kanilang bossing na kailangan na ng mga old novels niya for reprints. So I guess kaunting hintay na lamang at magkakaroon na ng katuparan ang ating pinakaaasam na REPRIIIIIIIINT!!!! Yosh! 😀