Hard Work Pays Off

Bonjour lovely creatures! Pasensya na kung ngayon lamang ako nakapag-post ulit. Hindi ako makagawa ng SRC Guessing Game Part 3 dahil ayaw mag-upload sa Imageshack ng mga gifs na ginawa ko kaya naman medyo sadness ang lola niyo ngayon.

Anyway on a brighter side, umabot na ng 1000+ likers ang Facebook page petition na Request for Reprint Sonia Francesca Single Novels. Which only means… magkakaroon na talaga ng reprint of Sonia Francesca’s novels under PHR Collections!!! Yahoo!!! At siyempre isa ako sa 1000+ na nag-like ng page na ‘to kaya para sa hindi pa nakakapag-like, i-like n’yo na para mas ma-pressure ang PHR management na i-reprint na ASAP ang mga bonggacious na nobela ng ating Inang Reynang si Ms. Sonia Francesca.

Nakita n’yo naman kung gaano karaming readers ang nag-aasam ng reprint ng mga novels ni Ms. SF kasi nga super out na talaga sa market at madalang pa sa patak ng ulan sa disyerto kung makita ang mga obra ni Ms. SF. Meron namang iba, kung hindi ipapa-auction, napakataas naman ng patong sa presyo dahil nga naman daw super collectors’ items na. Whatever!

Kaya naman sana magkaroon na ng reprints ang kanyang mga obra under PHR Collections. I’m sure maraming mga super fans ng novels niya (ehem like me ehem) ang magbubunyi. Actually, nag-conduct pa nga ako ng sarili kong poll kung ano sa tingin ng mga PHR readers na bumubisita sa site ko ang dapat na susunod na i-reprint na nobela ni Ms. SF. At ito ang naging resulta:

Congrats to Cafe Helenas’ Pitong Berdugo!!!😀

Ahm… para sa mga hindi nakapansin ito yung dating black rectangle thingy na nasa right sidebar ng blog na ito, hehehe. Nakita niyo naman, among all her series, yung pseudo-series pa niya ng Pitong Berdugo ng Cafe Helenas under PHR Collections ang nais mai-reprint ASAP ng mga PHR readers like me. So to the PHR management, na-exhaust na po namin ang lahat ng paraan para magka-reprint na po ang mga obra ni Ms. SF. Pursigido po talaga kaming magkaroon ng sarili naming hard copy ng mga nobela ni Ms. SF. Kaya po sa nalalapit na reprint ng mga bonggang-bongga at kwelang nobela ng Inang  Reyna, MARAMING MARAMING SALAMAT PO!😉

Indeed, hard work pays off. The harder you work, the luckier you get, ehehe. Cheerio!

P.S.: According to Ms. SF (via Facebook), dinala na daw  niya sa PHR office yung mga copies ng old novels niya last week kasi tinawagan daw siya ng kanilang bossing na kailangan na ng mga old novels niya for reprints. So I guess kaunting hintay na lamang at magkakaroon na ng katuparan ang ating pinakaaasam na REPRIIIIIIIINT!!!! Yosh!😀

    • ceejay
    • May 21st, 2011

    Yeah boi!!! ganyan ang persuasing power ng mga adik!hehe…

    • hazelanne
    • May 24th, 2011

    naks!!! yehey!!! eh bakit wala pang bagong novel si ms sonia? hinihintay ko din maprint ung mga bagong novels nya eh… T.T tapos, ung mga novels nya sa ibang publication, wala akong makita… huhuhu… T.T so sad.. nweiyz, mejo masaya narin kasi marereprint na ung mga dati nyang novels..🙂

    NOTE: gurlash, chalamatz sa mga updates…🙂 always stay safe… :p

    • You’re welcome, girl! Let’s pray for the immediate reprint of Ms. Sonia Francesca’s novels under PHR Collections. Stay positive and pretty!🙂

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: