Ms. Sonia Francesca as “Cherie Lei”

Ang update na ito ay para sa mga fans ng mga nobela ni Inang Reyna aka Sonia Francesca. Actually kasasagap ko lang ng balitang ito. Kung magagawi kayo sa page ko na M.E. SF Novels, malalaman ninyong magsusulat na rin sa ibang publications si Ms. Sonia Francesca pero hanggang ngayon ay naghihintay pa rin tayo na i-release na ang kanyang mga obra mula sa Dream Love, My Special Valentine, at Chapters and Pages. But I think makakabasa na ulit tayo soon ng ilan sa mga bagong obra ni Ms. SF under different publication, and of course, a different pen name.

Kanina lamang ay naligaw ako sa isang page sa FB kung saan nakita ko ang ilan sa mga covers and teasers ng mga nobela ni Ms. SF under Chapters and Pages (specifically, Chapters of the Heart) kung saan ang ginamit niyang nom de plume ay Cherie Lei. Here are the teasers and the book covers. Kung hindi n’yo mabasa yung nakasulat sa teaser, kindly click the image and it will lead you to a higher quality image or you may go to this website for the teasers:  www.iheartfrance.blogspot.com. Araso?😉

♥♥♥

Loving Alucard

♥♥♥

Back To You

Naalala niyo pa ba sina Andy (na kapatid ni Sam), at Christian  (na kapatid ni Nathan) ng “Kissing Miss Wrong”? Hindi ba’t may sarili silang kwento na sa kasamaang palad ay hindi nai-release which is — “This Girl’s In Love With You, Pare”.

Pwes, ito na ang katuparan ng kanilang naudlot na love story.🙂

♥♥♥

I Love How You Love Me

♥♥♥

O, nabitin ba kayo sa mga teasers? Ako rin eh, hehehe. At least ngayon alam na natin na magkakaroon na talaga ng new release si Ms. SF kahit under different publication and different nom de plume.😉 Oo nga pala June 6, ang scheduled release ng mga nobelang ito kaya naman huwag niyo sanang palalampasin at ngayon pa lamang, mag-ipon-ipon na tayo! Woo!!!😀

Hay grabe lang, ang saya-saya talaga! Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan dito sa Maynila ay ang bonggang pagbuhos din ng magagandang balita, hehehe! Thank you Lord!🙂

Kahit saan mang publication magsulat si Ms. Sonia Francesca, susuportahan ko pa rin ang bawat obra niya — dahil para sa akin siya lamang ang nag-iisang reyna ng kwela-nobela. Cheerio!😀

P.S.: Para sa mga supporters ni Ms. SF na gustong ma-update ng novels niya under Chapters of the Heart (under Chapters and Pages), kindly like this page –> Cherie Lei and Caitlin Fei of Chapters of the Heart and show your support by buying her novels upon their release and by spreading the word (rather, link). Arigatou gozaimasu!

    • usachan
    • May 25th, 2011

    wey~!! unnie, hindi pa ba release ang mga itey?? hehe..

    kaeksayt naman!!! over! hmm, pareho rin kaya nung kwento ung “This Girl’s In Love With You, Pare” at “Back To You”? As in parehong-pareho kaya o cguro may binago si ate che?? pero bibili pa rin ako nun..haha.

    salamat talaga unnie..hehe..feeling close naman ako..hihi.

    thanks sa info unnie..hihi..kamsahamnida..^^

    • Sa tingin ko may kaunting pagbabago lang na ginawa pero hindi naman siguro sila nagkakalayo ng “This Girl’s In Love With You, Pare”. Sa June 6 na ang release nito kaya naman bonggang-bonggang pag-iipon na ginagawa ko ngayon. Hahaha!😀

    • usachan
    • May 25th, 2011

    unnie, pwede ko bang malaman kung san pwedeng makabili nito..?? kasi ang daming nagtanong sa akin nung pinost ko sya sa group namin..at gusto ko rin talagang bumili..salamat ng maraming-marami..^^

    • Sa Puregold, Waltermart, Booksale, Robinsons and SM kung saan may mga Chapters and Pages stalls kasi under ng Chapters and Pages yung Chapters of the Heart. Sa June 6 na ang labas ng mga books. Sana po ay suportahan natin si Ms. SF as Cherie Lei.🙂

    • hazelanne
    • May 26th, 2011

    ayeee. chalamatz sa info.. tagal ko narin hinintay mga novels nya.. sana makahanap ako.. parang wala kasi akong nakikitang chapters and pages dito sa pampanga eh… nweiyz, hindi ba nagsulat din sya sa my special valentine? parang nabasa ko somewhere.. tama ba? di ko lang sure.. hehe.. thanks ulit sa mga updates…🙂 always stay safe…🙂

    • Yes. Nagsulat din si Ms. Sonia Francesca under My Special Valentine. Na-release na raw pero hanggang ngayon, matapos ang matagal na paghahanap, wala pa rin akong nakikitang printed copy nun. Maski yung mga ka-close ko sa Cafe Helenas na pinagtanungan ko wala pa rin daw silang nakikitang “Nobody But You” by Marrion Grace (aka Ms. Sonia Francesca).😦

    • hazelanne
    • May 26th, 2011

    gurl, sina caitlin fei and cherie lei ba ay iisa? kasi nung tinignan ko, meron ding sinulat si caitlin fei dun.. sabay2 bang marerelease ung novels nila? nalito na ko.. hehe..🙂 thanks… always stay safe…🙂

    • Ang alam ko gurl magkaiba sina Caitlin Fei at Cherie Lei. Si Ms. Sonia Francesca at si Cherie Lei ay iisa. I doubt kung siya rin si Caitlin Fei kasi kung siya yun, sana yung mga novels niya ay may teaser na rin sa Cafe Helenas. Kasi yung “I Love How You Love Me” at “Loving Alucard” ay may teasers sa Cafe Helenas samantalang yung “Back To You” naman ay halos parehas ng “This Girl’s In Love With You, Pare” na sinulat din ni Ms. SF.😀

    • hazelanne
    • May 28th, 2011

    i see.. hehe.. akala ko pareho sila.. nweiyz, maghahanap din ako ng “no body but you”.. sana may copy pa.. hehe.. chalamatz..🙂

    • usachan
    • May 29th, 2011

    sobrang thank you po talaga..!!!! ^^

    • maria
    • August 18th, 2011

    heheeeh naka bili na ako eheh sawakas.. taga davao ako… nag pray talaga ako na mag karun nag issue didto na check ko na lahat nag store…. nag ask din.. wala daw sila na ganun na pocketbook… huu nakalunkot… pero bumalik ako 1week after pag check ko meron na ahhahah….. na bili ko sa NCCC mall hahhah

    • meron talaga?!! meron pa kaya now? how much?!!

      • Oo naman meron pa!😀 Punta ka dun sa mga sites na sinabi ko.🙂

  1. sayang walang chapters of the heart dito sa davao!! huhuhuhu.. san ako pwede mag-order? please!! help!!

  2. hello, magandang araw! sobrang saya ko nung malaman ko na meron palang soft copy ng mga books ni ms sonia na wala na sa market… PLEASE can you send me copy pls…… Goldilocks and her Prince, si Ma’am at si Mr heartrob, o kahit alin dun sa meron ka, please!!!!!!!!!!!

    • Hello, Donna! Kindly look at you e-mail right now.🙂

  3. can request too?? please send me a copy of for the love of hellene and for the love of myla.. grabe!! umiikot na ang ulo ko sa kakahanap nun sa mga book store… please.. i really appreciate it…. THANK YOU SO MUCH in advance… (glad i found your blog)🙂

    here’s my e-mail add: rayearth27_cuttie@yahoo.com thank you again!!

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: