Archive for June, 2011

“The Floral Collection” Promo!

Hola! Like what I’ve mentioned in my previous post, the first novels of selected PHR writers will be reprinted under PHR’s “The Floral Collection”. In addition, PHR will have this promo:

I think this is only a one-day promo. So go and visit the nearest Precious Pages in your place on the 24th of June and avail of these cool goodies and promo brought to you by the home of the best love stories of all time – Precious Hearts Romances. 😉

Kissing Miss Wrong Reprint Soon!

Before anything else, I wanted to greet every father in this planet a Happy Happy Father’s Day!!! At para sa aking pinakamamahal na ama, Happy Father’s Day Dad! Marapat lamang na pasalamatan natin ang ating mga butihing ama sa espesyal na araw na ito sapagkat kung ‘di dahil sa kanila, wala tayo sa mundong ito. 🙂

Moving on, narinig niyo na ba – or rather, napanuod niyo na ba ang video presentation ng PHR titled “The Floral Collection”? Ang “The Floral Collection” ng PHR ay naglalaman ng mga reprinted super collector’s item novels ng ilan sa mga piling manunulat ng PHR. Tama ang nabasa ninyo, REPRINTED COPIES nga! Heto pa, swerteng napabilang sa lineup ng mga ire-reprint na novels ang pinakaunang nobelang naisulat ng ating Inang Reynang si Ms. Sonia Francesca under PHR – ang Kissing Miss Wrong. Kaya nga sa mga tulad kong nawalan ng copy nito or wala pa talagang kopya nito, isa talagang napakagandang balita na sa wakas ay ire-reprint na ito!

Heto ang sample ng “Kissing Miss Wrong” reprinted copy under PHR’s The Floral Collection 🙂

photo credit: Rex Pocketbook Collection’s Facebook account

Napakaganda talaga ng cover concept ng PHR “The Floral Collection”. Mahilig ako sa mga bulaklak kaya na-appreciate ko yung paggamit ng iba’t-ibang kulay at uri ng bulaklak bilang cover design ng mga libro. Lalo na itong cover concept ng Kissing Miss Wrong kung saan ang ginamit na bulaklak ay yellow tulips. Ayon sa nabasa ko, yellow tulips mean “there’s sunshine in your smile“. Kaya naman kapag binigyan kayo ng isang lalaki ng yellow tulips ang ibig sabihin, “there’s sunshine in your smile“… ayiii!!! O ‘di ba, isa na namang dagdag kaalaman. 🙂 Naalala ko tuloy yung mga bulaklak ng tulips sa SRC na ayon kay Nadja ay nagkakahalaga ng 700 pesos. 😉

Anyway, tiyak na marami ang aabangan ang paglabas ng mga kopya ng mga nobelang ito, including yours truly. Bukod kay Ms. Sonia Francesca, ang ibang mga PHR writers na kasama sa lineup ng “The Floral Collection” ay sina Heart Yngrid (Hitch Catch), Sofia (Closer You And I), Victoria Amor (Seven Days To Love), Angel Bautista (Kailan Kita Pwedeng Mahalin?), Sheena Rose (Flip’s Love), Belle Feliz (Happy Ever After), etc.

Kaya naman ngayon pa lamang ay simulan na po nating mag-ipun-ipon para kapag na-release na ang mga nobela under “The Floral Collection”, naka-ready na rin ang ating mga datung…. hehehe! Hwaiting! 😀

Saan po makakabili?

Lately ay napakarami kong natatanggap na tanong na ganito ang tema. Marami na rin kasi ang gustong bumili ng mga gawa ni Ms. Sonia Francesca as Cherie Lei under Chapters of the Heart publication. Kaya naman naisipan kong gumawa ng ganitong post para minsanan ko nang masagot ang inyong mga katanungan. Salamat kina Ms. Bernadette Licarte at Ms. Yesha Lee, writers under COH, for providing me this very useful info para sa mga nagnanais bumili ng mga Tagalog pocketbooks under COH.

Saan po makakabili ng mga pocketbooks under Chapters of the Heart (COH)?

Puregold Branches:

Libertad, Las Piñas, Taytay, Cubao, Kalentong, Imus, Bacoor, Pasig, Mindanao Ave., Commonwealth, Paco, Malate, Quezon Ave., Tanza, Alabang, Dau, Guiguinto, Baliuag, Paranaque, San Pedro, Tanauan.

COH Exhibits:

SM North Edsa, SM Valenzuela, SM Fairview, SM Sta. Mesa, 168 Mall, Ever Grand Central, Trinoma, Festival Mall Alabang, Robinson’s Starmills (Pampanga), Robinson’s Pulilan, Robinson’s Dasma, Waltermart Makati, EDSA Central, Market-Market, Alabang Town Center, Riverbanks Marikina, Ever Commonwealth, Activity Area of EDSA Central Mall (Mandaluyong City)

Booksale (SM North EDSA) and Expressions. 🙂

picture credits: Chapters of the Heart (COH) Facebook page

O ayan. Nawa ay nasagot ko na kahit papano ang inyong katanungan. Oo  nga pala. Kung hindi ako nagkakamali, si Caitlin Fei ng COH and Keene Alicante ng PHR ay iisa lamang. May mga nobela rin ang matalik na kaibigan at co-PHR writer ni Ms. Sonia Francesca na si Ms. Keene Alicante under Chapters of the Heart so please do watch out for it and keep on supporting them and other COH writers. Cheerio! 😉