Busy Bee

Kamusta kayo beautiful people of the planet Earth! Gomenasai, mianhe, sorry, at patawad talaga kung matagal akong hindi nakakapag-paramdam sa inyong mga kagandahan sapagkat ako’y busy-busy-han sa aking bagong propesyon – ang pagiging isang guro ng isang unibersidad dito sa probinsya ng Pangasinan (O ‘di ba, kung maka-Tagalog parang Buwan ng Wika pa rin, hehehe!).

Anyway, napadaan lamang ako para i-plug ang fan page ng isa sa aking ever favorite writer ng PHR, walang iba kundi si Ms. Sonia Francesca at para na rin mag-update ng mga dapat i-update.😉

Mga kapatid, kung kayo po ay kapanalig din ng mga praning na tulad ko na mahilig magbasa ng mga nakakatuwang nobela ni Mrs. Bob Ong, maaari po ninyong i-like ang FB page na ito upang makasagap kayo ng mga sariwang balita o updates mula mismo kay Ms. Sonia Francesca. Kindly click the link and… Ariba!

 Sonia Francesca’s Official Facebook Fan Page

photo credit: Sonia Francesca Fan Page on Facebook

Maliban pa po diyan, ang isa pang balitang lubos na nakapagpasaya sa akin ay nang malaman kong na-release na ang nobela ni Ms. Sonia Francesca under My Special Valentine titled: I Love You Anyway. Kakabasa ko lang nito kagabi, and I must tell you, sobrang kikiligin kayo kay Fafa Knight-in-shining-armor kahit medyo mukhang buhok na tinubuan ng tao ang pagkaka-describe sa kanya ni Ms. SF, hahaha! Ay oo nga pala, Marion Grace ang ginamit niyang nom de plume (pen name) dito. Kaya naman para sa mga hindi pa nakakakuha ng copy at hindi aware na si Ms. SF at Marion Grace ay iisa, please grab your copies now bago kayo magsisi kapag naubusan na kayo ng bonggang-bongga.

Tiyak na mai-inlove kayo sa story nina Ruth Jean at fafa Knight my labs!

Heto pa! Talagang hindi tayo mauubusan ng update sapagkat matagal tayong na-diyeta sa balita kaya itodo na natin ito, hahaha!!! Matapos ma-release ulit ang first ever novel ni Ms. Sonia Francesca na Kissing Miss Wrong under PHR’s The Floral Collection, muli na namang magkakaroon ng reprint ang isa mga collector’s item novel ni Ms. SF titled: Matters Of The Heart. Marahil gustung-gusto niyo nang malaman kung kailan. Ngunit sa kasamaang-palad, iyan po ay hindi ko rin masasagot sapagkat wala pa pong definite date na binanggit. Gayunpaman, at least, makakaasa tayong may lalabas na namang reprint ng old novel ni Ms. SF under PHR’s Floral Collection. Kaya naman po, tayong lahat ay mabunyi!!!! YEHEY!!!

In addition, magkakaroon din ng reprint ang How To Kiss A Guy ng isa pa sa paborito kong PHR writer na si Ms. Heart Yngrid. Siyempre, under din ito sa The Floral Collection ng PHR. Grabe PHR, I LOVE YOU na talaga to the max!!!

Grabe parang gusto kong magpa-piyesta kaso wala lang nga akong kaperahan, wahahaha!!! Ay naku, parang ewan ako dito, mag-isang tumatawa. O sige, pa’no ba yan. Hanggang dito na lamang muna ang aking update at gagawa pa ako ng notes para sa ile-lecture ko bukas sa aking mga makukulit na estudyante. Wish me luck. Goodnight and God Bless everyone!🙂

    • illeane
    • September 14th, 2011

    Sige ate, samahan na lang kita sa pagtawa. wahahahahaha! O ayan dalawa na tayong parang ewan. Can’t wait sa reprint ng Matters of the Heart ni Ms. SF. hi-hi… Gambarimasu minna! Sya nga pala ate, ang galing nitong blog mo. Nakakabaliw, add mo naman ako sa facebook ate… shizuka_animecouples@yahoo.com… hihihi.. sige ate batsi na aketch… =)

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: