Archive for December, 2011

Arigatou PHR!

Hai hai hai! Hindi kayo dinadaya ng inyong paningin. Matapos mai-release ng Kissing Miss Wrong, Matters Of The Heart, at My Lord Ace, tunay ngang nai-release na rin ng sabay-sabay under PHR The Floral Collection ang anim pa sa mga unang novels ni Ms. Sonia Francesca. Ito ay ang mga sumusunod: 

  1. Love, Lies, And Alibis
  2. Hey, Gorgeous
  3. Dear Lies
  4. The Way You Love Me
  5. Once And Again
  6. Love At Second Sight

Kaya naman I’m so thankful to PHR for hearing us out. Malaking tulong talaga ito sa mga tulad kong super fan ni Ms. SF na wala pa ng mga supah collectible novels na ito dahil nga may mga taong napakahilig manghiram pero hindi naman marunong magbalik… hay. Anyway, napakagandang pamasko talaga ng mga goodies na ‘to para sa aking sarili, hehehe! Pasensiya na, adiktus lang.

So what are ya waitin’ for? Go grab your copies now. And again, Arigatou PHR! Cheerio!

P.S.: Need teasers? Go here: http://iheartfrance.blogspot.com/ 🙂 And oh, by the way the picture isn’t mine and I forgot where I ripped this one, sorry. Just so you know. 😉

Advertisements

I simply HATE

I simply hate those people who can’t follow simple instructions.

Ikaw na nga ang nagmamagandang-loob na magpo-provide ng “answer” sa kanilang mga requests at questions, tatadtarin ka pa ng mga walang-kwentang tanong na obvious namang masasagot sa pamamagitan ng “Google”. Halos detalyado na nga akong sumagot pero wala pa rin. Sana naman minsan ay matuto tayong gumamit ng “common sense” nang sa gayon ay hindi natin masyadong naaabala yung ibang tao na marami pang “mas impotanteng” bagay na dapat gawin.

Nakaka-stress talaga. Tapos parang ikaw pa ang may kasalanan kapag hindi mo sila sinagot o kapag hindi na naman nila naintindihan ang sinagot mo. Nakakasawa na. Bad vibes.

Pasensya na kung dito ako nag-rant. I just had to let this one go, baka sumabog na ako sa sobrang inis. So… I guess I should ciao for now! 😦