Archive for February, 2012

New Release!: It’s Just You

Ayos! May new release na naman si Inang Reyna (Sonia Francesca). Kahit super busy ko hindi pwedeng hindi ko i-update ang blog. So guys, ipon-ipon na ulit tayo dahil mukha tinotodo na ng PHR ang pagpapasaya sa atin, hehehe! Sana magtuloy-tuloy na ‘to!!! AJA!

It’s Just You by Sonia Francesca

“If you want to fall in love with me, it’s fine. Go ahead and fall.”

Jeni was a very pampered princess to her rich parents. And since she was a princess, she ought to have her own prince. Isa lang ang naiisip niyang maging prinsipe: si Reno, ang kanyang high school ultimate crush. Nang magkita uli sila pagkalipas ng maraming taon, na-realize niya na matindi pa rin ang epekto nito sa puso niya.

Nang malaman niya na nangangailangan ito ng Cinderella—este, sekretarya, mabilis pa sa alas-kuwatrong nag-apply siya para mapalapit dito.

Pero paano kapag natuklasan niya na ang pinili niyang maging prinsipe ay iba pala ang gustong gawing prinsesa? Paano na ang kanyang “happy ever after”?

Advertisements

Protected: Sonia Francesca: For The Love Of Jeremiah

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Due to Insistent Public Demand: MORE REPRINTS!!!

Aloha beautiful people! Kaunting update lang muna mula sa inyong lingkod, hehe. Muli ay nagkaroon na naman ng reprint ang ilan sa mga collector’s item novel ng ating minamahal na inang reyna na si Ms. Sonia Francesca. Here is the list and the cover pages of the latest SF novel reprints. Sit back, relax, and ENJOY! 🙂

1. Captain Of My Heart

Sa paghahanap ni Leira sa kanyang “Mr. Right,” iba ang kanyang natagpuan; si Calvin, isang Air Force captain na kasalukuyang hinahanap din ang sarili nitong “Miss Right.” Pareho sila ng mithiin at misyon sa buhay kaya mabilis silang nagkapalagayan ng loob at naging magkaibigan.

Together they set out a quest to find their own true love. Pero nagbago ang lahat nang mag-iba ang tingin niya sa matikas at guwapong kapitan.


2. My Sweetheart Cherie

Pangarap ni Cherie na unusual at romantic ang maging pagkikita nila ng lalaking kanyang mamahalin. Ngunit naglaho ang pangarap niyang iyon nang ipagkasundo siya ng mga magulang sa lalaking ni hindi niya gusto. Nagpasya siyang kausapin na lamang si Dwight—ang lalaking ipinagkasundo sa kanya. Dapat na dito manggaling ang pag-atras sa kasal nila. Iyon lang ang tanging paraan para hindi sila makasal.

Ngunit tinanggihan siya ng hudyo. Wala raw itong balak na umatras sa kasal nila.

Kaya imbes na pag-ibig ay galit ang namayani sa kanyang puso. Well, she would make life a living hell for her dear husband-to-be. But when married life slowly sunk in, things started to change. Even the way she saw her husband had changed.

Even the way her heart felt towards him…


3. Accidental Hearts

Presko. Iyon ang impresyon ni Rhome kay Byron nang unang beses silang magkita. Ngunit hindi rin niya maitanggi ang atraksiyong nadarama niya para dito. Ni hindi nga niya alam kung paano siya napapayag nito nang imbitahan siya nito para sa isang dinner date. Ngunit sa huling sandali ay bigla namang kinansela nito ang date na iyon; kung kailan nakabihis na siya at handang-handa na. Bumalik tuloy uli ang inis niya rito. Ipinangako niya sa sariling hinding-hindi na niya papansinin ito kahit kailan.

Then she met his twin brother, Bryan. Kabaliktaran ang ugali nito sa ugali ng kakambal. Bryan was more her kind of man.

Ngunit tuwing tititigan niya ito, ang masayang disposisyon ng mukha ni Byron ang nakikita niya… At bakit lihim niyang hinihiling na sana ay si Byron nga ang kausap niya?


4. I Love You Todo-todo, Walang Hinto, Walang Preno

Lumuwas sa Maynila si Reika upang hanapin ang kasintahang bigla na lang naglaho nang araw ng kanilang engagement. Ngunit ang natagpuan niya ay ang lalaking palagi na lamang nagpapakulo ng kanyang dugo; si Matthew, former NBI agent-turned-Patok jeepney driver, na sa kamalas- malasan ay siya ring taong kailangan niya upang makita ang kanyang hinahanap.

Ang problema, tila hindi man lang ito nagdalawang-isip na tumanggi para tulungan siya. Hindi na rin niya inisip na pakiusapan ito dahil wala iyon sa karakter niya.

Ngunit nakialam ang kanilang mga pamilya kaya sa ayaw at sa gusto niya ay mapipilitan siyang makipagkasundo rito.

Pero ang mas malaking problema ay nang makialam din ang puso niya. Natagpuan na lang niya ang sarili na nakikipagkasundo rito nang kusa.

So what are you waiting for? Grab your copies now! 😀