Due to Insistent Public Demand: MORE REPRINTS!!!

Aloha beautiful people! Kaunting update lang muna mula sa inyong lingkod, hehe. Muli ay nagkaroon na naman ng reprint ang ilan sa mga collector’s item novel ng ating minamahal na inang reyna na si Ms. Sonia Francesca. Here is the list and the cover pages of the latest SF novel reprints. Sit back, relax, and ENJOY!🙂

1. Captain Of My Heart

Sa paghahanap ni Leira sa kanyang “Mr. Right,” iba ang kanyang natagpuan; si Calvin, isang Air Force captain na kasalukuyang hinahanap din ang sarili nitong “Miss Right.” Pareho sila ng mithiin at misyon sa buhay kaya mabilis silang nagkapalagayan ng loob at naging magkaibigan.

Together they set out a quest to find their own true love. Pero nagbago ang lahat nang mag-iba ang tingin niya sa matikas at guwapong kapitan.


2. My Sweetheart Cherie

Pangarap ni Cherie na unusual at romantic ang maging pagkikita nila ng lalaking kanyang mamahalin. Ngunit naglaho ang pangarap niyang iyon nang ipagkasundo siya ng mga magulang sa lalaking ni hindi niya gusto. Nagpasya siyang kausapin na lamang si Dwight—ang lalaking ipinagkasundo sa kanya. Dapat na dito manggaling ang pag-atras sa kasal nila. Iyon lang ang tanging paraan para hindi sila makasal.

Ngunit tinanggihan siya ng hudyo. Wala raw itong balak na umatras sa kasal nila.

Kaya imbes na pag-ibig ay galit ang namayani sa kanyang puso. Well, she would make life a living hell for her dear husband-to-be. But when married life slowly sunk in, things started to change. Even the way she saw her husband had changed.

Even the way her heart felt towards him…


3. Accidental Hearts

Presko. Iyon ang impresyon ni Rhome kay Byron nang unang beses silang magkita. Ngunit hindi rin niya maitanggi ang atraksiyong nadarama niya para dito. Ni hindi nga niya alam kung paano siya napapayag nito nang imbitahan siya nito para sa isang dinner date. Ngunit sa huling sandali ay bigla namang kinansela nito ang date na iyon; kung kailan nakabihis na siya at handang-handa na. Bumalik tuloy uli ang inis niya rito. Ipinangako niya sa sariling hinding-hindi na niya papansinin ito kahit kailan.

Then she met his twin brother, Bryan. Kabaliktaran ang ugali nito sa ugali ng kakambal. Bryan was more her kind of man.

Ngunit tuwing tititigan niya ito, ang masayang disposisyon ng mukha ni Byron ang nakikita niya… At bakit lihim niyang hinihiling na sana ay si Byron nga ang kausap niya?


4. I Love You Todo-todo, Walang Hinto, Walang Preno

Lumuwas sa Maynila si Reika upang hanapin ang kasintahang bigla na lang naglaho nang araw ng kanilang engagement. Ngunit ang natagpuan niya ay ang lalaking palagi na lamang nagpapakulo ng kanyang dugo; si Matthew, former NBI agent-turned-Patok jeepney driver, na sa kamalas- malasan ay siya ring taong kailangan niya upang makita ang kanyang hinahanap.

Ang problema, tila hindi man lang ito nagdalawang-isip na tumanggi para tulungan siya. Hindi na rin niya inisip na pakiusapan ito dahil wala iyon sa karakter niya.

Ngunit nakialam ang kanilang mga pamilya kaya sa ayaw at sa gusto niya ay mapipilitan siyang makipagkasundo rito.

Pero ang mas malaking problema ay nang makialam din ang puso niya. Natagpuan na lang niya ang sarili na nakikipagkasundo rito nang kusa.

So what are you waiting for? Grab your copies now!😀

    • Rubie Samar
    • February 21st, 2012

    .,ate out na po ba tong mga to?

    • Not yet, girl. Ang alam ko ay sa Wednesday pa ang out nito sa market.🙂

  1. Waaaahhhh…. tagal ko na hinihintay ng mga ito…. salamat sa update!!! out na po ba ito?

    • Ayon sa aking reliable source, Wednesday pa raw ang labas nito sa market. So watch out na lang tayo girl!🙂

    • shon manlapaz
    • February 23rd, 2012

    hay buti na lang umabot ako! grabe ang bilis maubos ng mga novel ni Ms. Sonia, buti nakapagpareserve ako. Yes! complete ko yung batch na to.
    kulang na lang ako ng Love at second sight, dear lies at once and again. sana may mahanap pa ako nito sa mga PHR outlet o kaya NBS.

    • patricia
    • April 14th, 2012

    ilan na po ung total na reprint ng floral collection under miss sf? thanks po. chaka po kelan ung kila jersey.

    • Mahmye
    • July 23rd, 2012

    hi ate, ask ko lang po paano ko maba2sa mga pocket book na phr online?lalo na rancho estate, gustong gusto ko po kasi mga yun e.thanks po in advance.🙂

    • Mahmye
    • July 23rd, 2012

    or kung paano ko maddownload ng pdf.please po help me.

    • Mahmye
    • July 23rd, 2012

    ate pwede po bang pahingi ng passwords ng Floral Collection?
    please po, pasenxa na kung medyo makulit ako, gusto ko lng po talagang mabasa. yan po kase libangan ko dito.please please please.

    Kissing Miss Wrong
    Matters Of The Heart
    My Lord Ace
    Love, Lies, And Alibis
    Hey, Gorgeous
    Once And Again
    Dear Lies
    Love At Second Sight
    The Way You Love Me
    Captain Of My Heart
    My Sweetheart Cherie
    Accidental Hearts
    I Love You Todo-todo, Walang Hinto, Walang Preno

    • patricia
    • August 16th, 2012

    still available pa po ba sa market ung kila marx and jersey?🙂

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: