Archive for March, 2012

New Release!: For The Love Of Jeremiah

Ten-tene-nen tenen!!! At last… KAMSAHAMNIDA PHR!

For The Love Of Jeremiah
By Sonia Francesca

Iniwan si Janeth ng kanyang ka-date na si Jaycob—ang bassist ng sikat na bandang Sentinel. Ayos lang iyon sa kanya dahil hindi naman ito ang puntirya niya nang gabing iyon kundi ang guwapong record producer ng banda—si Jeremiah.

Crush niya ito noong una pa lang niyang makita ito. Kaya nang magkaroon siya ng pagkakataon, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Iyon ang nagbigay-daan para magkalapit sila ng binata at makilala niya ito nang husto. Her crush blossomed into love because he was everything any woman would look for in a man.

Ang kaso, may girlfriend na ito.

Puwede pa siguro siyang sumubok. Tutal, girlfriend pa lang naman ito ni Jeremiah. Naniniwala siyang, all is fair in love and war…

Advertisements

Pahabol: Goldilocks and Her Prince & I Do… Take Two

Oh yeah! Bilang pahabol ng PHR, sa wakas ay may reprint na rin ang Goldilocks And Her Prince. Yung story na lang nina Dallas at Tanner (I Do… Take Two), at Preciosa este Pretzel at Alec (Birubiruan Ng Puso)  na lang ang kulang at makukumpleto na rin ang Pitong Berdugo Series ng Cafe Helenas, hehehe. Thank you PHR for granting our utmost requestssssssszzzzzz!!!!!

Goldilocks And Her Prince

“I don’t want fairy tales anymore. I just want you.”

Kahit dis-oras ng gabi ay sinugod ni Mae si Leanard sa bahay nito. Galing dito ang subpoena na natanggap niya at nagpapasakit ngayon sa ulo niya dahil sa di-sinasadyang pagkakadisgrasya niya sa bakuran nito.

“We need to talk,” matigas na sabi niya, ngunit ang mga mata ay hindi maiwasang maglakbay sa malapad na dibdib nito at pipis na tiyan. “Magbihis ka nga!”

Pero tila wala itong narinig, sa halip ay nanatili lang itong nakatayo naang tanging saplot sa katawan ay boxer shorts lang.

“You’re in my house so don’t you raise your voice on me, Miss. At tungkol sa subpoena, abogado ko na ang kausapin mo. Now, get out or I’ll take off my boxers in front of you.”

Natigilan siya, awang ang bibig na hawak pa rin ang subpoena. Nang marinig niya ang tinig nito ay tila noon lang muling nagbalik ang kanyang katinuan, ngunit hindi ang normal na tibok ng kanyang puso.

Hehe… heto pa!!! Ayiiiiiii!!!!!

I Do… Take Two

“I’ll make you happy every single day, every single minute, every single second until you get sick of it. But even that won’t stop me from loving you and making you happy.”

Panay ang parinig ng mga kaibigan ni Dallas sa kanya. Siya na lang kasi ang unattached sa kanilang magkakaibigan. Ang hindi alam ng mga ito, may asawa na siyang naiwan sa Australia.

Hindi sana malalaman ng mga ito ang tungkol doon kung hindi nagpakita ang magaling niyang asawa. Ang buong akala niya ay susunduin na siya nito, na sasabihin nitong bumalik na siya rito dahil hindi ito mabubuhay nang wala siya sa tabi nito.

Pero ang hudyo, sa halip na manikluhod, iwinagayway sa harap niya ang divorce papers nila!