Pahabol: Goldilocks and Her Prince & I Do… Take Two

Oh yeah! Bilang pahabol ng PHR, sa wakas ay may reprint na rin ang Goldilocks And Her Prince. Yung story na lang nina Dallas at Tanner (I Do… Take Two), at Preciosa este Pretzel at Alec (Birubiruan Ng Puso)  na lang ang kulang at makukumpleto na rin ang Pitong Berdugo Series ng Cafe Helenas, hehehe. Thank you PHR for granting our utmost requestssssssszzzzzz!!!!!

Goldilocks And Her Prince

“I don’t want fairy tales anymore. I just want you.”

Kahit dis-oras ng gabi ay sinugod ni Mae si Leanard sa bahay nito. Galing dito ang subpoena na natanggap niya at nagpapasakit ngayon sa ulo niya dahil sa di-sinasadyang pagkakadisgrasya niya sa bakuran nito.

“We need to talk,” matigas na sabi niya, ngunit ang mga mata ay hindi maiwasang maglakbay sa malapad na dibdib nito at pipis na tiyan. “Magbihis ka nga!”

Pero tila wala itong narinig, sa halip ay nanatili lang itong nakatayo naang tanging saplot sa katawan ay boxer shorts lang.

“You’re in my house so don’t you raise your voice on me, Miss. At tungkol sa subpoena, abogado ko na ang kausapin mo. Now, get out or I’ll take off my boxers in front of you.”

Natigilan siya, awang ang bibig na hawak pa rin ang subpoena. Nang marinig niya ang tinig nito ay tila noon lang muling nagbalik ang kanyang katinuan, ngunit hindi ang normal na tibok ng kanyang puso.

Hehe… heto pa!!! Ayiiiiiii!!!!!

I Do… Take Two

“I’ll make you happy every single day, every single minute, every single second until you get sick of it. But even that won’t stop me from loving you and making you happy.”

Panay ang parinig ng mga kaibigan ni Dallas sa kanya. Siya na lang kasi ang unattached sa kanilang magkakaibigan. Ang hindi alam ng mga ito, may asawa na siyang naiwan sa Australia.

Hindi sana malalaman ng mga ito ang tungkol doon kung hindi nagpakita ang magaling niyang asawa. Ang buong akala niya ay susunduin na siya nito, na sasabihin nitong bumalik na siya rito dahil hindi ito mabubuhay nang wala siya sa tabi nito.

Pero ang hudyo, sa halip na manikluhod, iwinagayway sa harap niya ang divorce papers nila!

    • Rubie Samar
    • March 1st, 2012

    .,hala ka!! good na good news to ate…
    .,ako apat pa ang kulang sa 7 berdugo nauubusan kasi ako nung ibang floral col. sa PHR eh…azar nga…

    .,sana makakuha na ulit ako…hhhaayyy…

  1. oh…my wala pa ako nun kahit isa, i need to buy that ASAP. Wah….

    Thanks a lot po sa update ate…

    • Luisa
    • March 7th, 2012

    hello po.. pwede po bang malaman complete list Pitong Berdugo Series ng Cafe Helenas? please po… salamat po!🙂

    • era mapa
    • April 4th, 2012

    yeah can you print pretzels story to complete the series? that one is my lucking series

  2. wow…im a fan of yours po…nce novels XD\

    • alyanna
    • June 22nd, 2012

    kailan po mairereprint yung LOVE ME MY DARLING ENEMY atsaka po yung iba pa po?!

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: