Happy Birthday Ms. Sonia Francesca!

Today is a very special day. Wanna know why? ‘Coz it’s the birthday of my favorite PHR writer, Ms. Sonia Francescs (Ms. Cherie Rosales). So I wanna dedicate this post to her. I already wished her a happy happy birthday on her wall in Facebook. Words will be very insufficient how her novels brightened up my life for the past 5 years. Tama, 2007 pa ako nahuhumaling sa novels ni Ms. SF, simula nang mabasa ko ang Wandering Heart, hehehe! Sana ay magtuloy-tuloy na ang pag-publish ng mga new independent novels and series ni Ms. Sonia Francesca for the latter part of 2011 and of course, for the year 2012. Naiintindihan ko naman ang PHR kung bakit inuunti-unti nila ang paglalabas ng novels ni Ms. SF. Paano ba naman, palaging out of stock agad kapag may new release siya, hehehe!

To Ate Che, Happy Happy Birthday to the Nth power! I wish you good health, a more colorful lovelife, and a more fruitful 2012. May you have more brithdays to come and more hunky SRC fafa to write about, hehehe! 😀

This is me before reading SF novels:

😦 😦 😦

And this is me after reading SF novels, hehehe!:

🙂 😀 😉

photo credits: www. chu-kuang.com, http://www.kprescott.tumblr.com

New Release!: The Billionaire’s Contract Wife

Annyeong! May new release na namang novel si Ms. Sonia Francesca but this time it is a translated novel under PHR presents Harlequin Mills & Boon and under her other pen name – Sumire Villegas. So, kindly grab your copies now! 😉

Here’s the teaser:

The Billionaire’s Contract Wife
By Penny Jordan translated by Sumire Villegas (aka Sonia Francesca)

“You’ve changed me… And I need you to help me understand the person I’ve become. I need you to show me how to be the man you want me to be.”

Napilitan si Lizzie na magtungo sa Cebu dahil sa isang summon letter na mas tamang tawaging, “threat letter” galing kay Ylan Manos. Hindi raw legal ang pagtatayo niya ng gusali sa lupain na pag-aari nito. Ang balak lang sana niya ay makausap nang maayos ang lalaki para matapos ang problema.

May isa lang siyang hindi inaasahan: pinsan ni Ylan ang isa sa mga sira-ulo niyang business partner at dahil tumakas na ang mga ito, naiwan sa kanya ang responsibilidad na harapin ang galit ni Ylan. And he wanted full compensation for it.

Dahil wala naman siyang sapat na yaman para mabayaran ito, may inilahad itong proposal sa kanya: puwede raw siyang magpakasal dito dahil kailangan nito ng asawa. Kapag pumayag siya, bayad na siya sa utang niya, magiging financially secure pa ang pamilya niya.

Pero paano naman ang puso niya?

UP-LATE?!

Hay… kakatapos ko lamang i-rush ang pagko-compute ng grades ng mga makukulit kong estudyante kaya naman ngayon lamang ako nalibre. Sabi nga nila, “It’s better late than never.” Kaya naman kahit medyo late na, ibabalita ko pa rin ang mga mabubuting balitang ito regarding the progress of the reprinted copies of Ms. Sonia Francesca’s novels.

Number 1. Alam niyo ba na may pangatlo nang installment ng Floral Collection si Ms. Sonia Francesca at ito ay ang reprint ng “My Lord Ace”, ang nakakakilig na kwento ng masungit-cum-gwapong si Ace at ng pretty-cum-makulit na photographer na si Prix. Actually ‘di ko pa alam kung saang branch ng PHR na mayroon nito dahil ako man ay kasalukuyang naghahanap pa rin ng reprinted copy nito. *sigh*

PHR’s The Floral Collection presents: My Lord Ace

photo credit: Los Caballeros (Series by Sonia Francesca) Facebook Fanpage

Number 2. May reprint na rin ang Batch 1 ng Skylander Series (hallelujah!) na isinulat ng pinakapaborito kong tandem ng PHR na sina Sonia Francesca & Sofia. It’s superkaduper out now in the market so go grab your copies now para sa mga wala pa at para sa mga katulad kong kahit na may copy na ay bumili pa rin just to support my beloved writers (ganyan ang praning, ahahaha!). 😉

This slideshow requires JavaScript.

photo credit: Skylander Series Facebook Fanpage

Well, so far yan pa lang naman ang mai-a-update ko sa inyo. I’ll try my best to keep you guys posted on the future novels, updates, and upcoming releases of Ms. Sonia Francesca. So, ciao for now! 🙂

Stallion Revisited Book 2: Ruki Takizawa

Hello mga magagandang Venus ng planetang Earth. Nadaan lang ako dito para i-update kayo sa second book ng Stallion Revisited na alam ko namang matagal niyong inabangan (lalo na ako, woooo!!!) Anyway, I saw this on SRC: Revisited by (Sonia Francesca) Facebook Fanpage. According to the admin of the fanpage, tomorrow will be the official release of the second book. As in BUKAS NA!!!! KYAAAA!!!! Party party! Kaya magbu-beauty rest muna ako ngayon para full of energy ako tomorrow kapag sumugod ako sa bookstore, bwahaha! Oh but before that, here’s the teaser and the teaser pic of Ruki my loves. ENJOY! 🙂

Stallion Revisited Book 2: Ruki Takizawa

Napilitan si Chi na pumayag sa plano ng kanyang pamilya na magpakasal sa anak ng ninang niya. Dahil sa sakit nito na wala ng lunas, naging kahilingan na lang nito na makita ang nag-iisang anak na matagal ng nahiwalay dito. ang problema, ayaw itong makita ng anak nito na isang vocalist pala ng isang sikat na banda sa Japan.

So Chi had to go all the way to that snow-filled country, endure the feaking cold, and the freaking coldness of Ruki himself. It was obvious he didn’t want her. And was frank enough to tell to her face that he doesn’t want anything to do with her or her country.

Nilunod na sana niya ito sa snow kung hidni lang niya iniisip ang kalagayan ng ninang niya. kaya pinagtiyagaan niya ang ugali ni Ruki. Hanggang sa matuklasan niyang hindi naman pala ito kasing sama gaya ng una niyang akala. In fact, he could be sweet…when he’s in the mood.

Kaya hindi na katakataka kung mahulog man ang loob niya rito. Kaya lang, paano na kapag nalaman nitong kinaladkad lang niya ito sa Pilipinas para sa kinamumuhian nitong ina, at hindi dahil sa magpapakasal sila?

P.S.: By the way, the handsome cover was inspired by a member of Gazette (a visual kei band), Ruki. Why a Gazette member? Simply because Ms. Sonia Francesca LOVES Gazette, kekeke! 😉

photo credits: Los Caballeros (Series by Sonia Francesca) Facebook Fanpage

Hubba-hubba! 😀

photo credits: SRC: Revisited by (Sonia Francesca) Facebook Fanpage

Free Reading: For The Love Of Jeremiah

Bonjour lovely creatures! Kamusta naman kayo? Ako okay na okay dahil champion ang aking alma mater sa 2011 UAAP Cheerdance Competition!!! YAHOO!!! Congratulations to UP PEP Squad!!! Sobrang gagaling ninyo. You’ve showed us that not all blondes are dumb. LOL! 😀

Anyway, may mga tanong ako sa inyo. Nabasa niyo na ba ang kwento ng mga members ng Sentinel band na isinulat ni Ms. Sonia Francesca? Yung kwento nina Tommy (Crazy Little Thing Called Love), Raijin (For The Love Of Hellene), Lancer (For The Love Of Julie), at Jaycob (For The Love Of Myla)? Naaalala niyo pa ba ang makisig na record producer ng banda na walang iba kundi si Jeremiah? Alam niyo bang ang poging-poging si Jeremiah ay may love story din? Gusto niyo bang mabasa ang kwento niyang isinulat ni Ms. Sonia Francesca ngunit hindi niyo alam kung saan mahahagilap ito? Well, I’m so happy to announce na tapos na ang problema niyo! (O ‘di ba, ang dami kong tanong? Hehehe!)

Paano niyo mababasa ang love story ng poging-poging record producer ng Sentinel na si Jeremiah? Magpunta lamang sa link na ito: For The Love Of Jeremiah. Siyempre, kailangan niyo munang mag-register sa PHR bago niyo ma-access ang kwento ni Jeremiah my labs, hehehe. Siyempre before or after you read Jeremiah’s story, don’t forget to vote and give a positive feedback ha! Please do request to PHR to print a hard copy of Jeremiah’s story because it’s a very very well-written love story of course by no other than Ms. Sonia Francesca.

So if you have a free time, kung ikaw ay nababagot at walang magawa, just read Jeremiah’s story and it will surely brighten up your day. Of course you can access it for free, para everybody HAPPY! 😉 Thank you PHR. Cheerio!

P.S. Ito ang nai-imagine kong hitsura ni Jeremiah my labs habang binabasa ko ang For The Love Of Jeremiah, kekeke! 😀

I so love this pair! Pagbigyan niyo na ako, hahay. 😀

Bili Naaaaa!!!

Sa wakas ay out na rin ang pinakahihintay kong second batch of PHR’s The Floral Collection. Kaya mga kababayan, bili-bili na po tayo. Ang alam ko sa SM MOA ay available na ang 2nd batch ng The Floral Collection. So ano pang hinihintay niyo? SUGOD MGA KAPATID, KAPAMILYA, AT KAPUSO!!! HAHAHA!

Ito ang dalawang priority novels na kailangan kong mabili, by hook or by crook, hehehe!

Matters Of The Heart by Ms. Sonia Francesca

How To Kiss A Guy by Ms. Heart Yngrid

photo credit: Rex Pocketbook Collection on Facebook

SRC Guessing Game Part 4

Isang maulan na madaling araw gawjus people of the Philippines and around the world (wahaha!)! Sa wakas ay tinamad na naman akong gumawa ng lesson plan kaya naisipan ko ulit mag-post ng isang SRC Guessing Game. In all fairness, ito na ang aking fourth installment ng guessing game featuring our beloved SRC hunks. Pero bago ko i-post ulit ang mga litratong aking pahuhulaan, sana ay na-enjoy ninyo ang SRC Guessing Game Part 3. Napansin kong medyo marami ang nalilito sa paghula ng identity nung ibang SRC boys. Siguro dahil medyo in motion sila sa mga pictures, haha. Anyway, I’m sure kung super fan kayo ng mga Stallion boys mape-perfect niyo na naman itong 4th installment ng SRC Guessing Game.

But before anything else, I have a disclaimer for those who will answer this game for the first time. Before answering (commenting) this, kindly read first the mechanics of the game right here. Wala po sanang pasaway baka po kasi mapagalitan ako, wahehehe. 😀

So without further ado, inihahandog ko sa inyo ang fourth set ng SRC Guessing Game. Enjoy and Goodluck!

Uno, dos, tres… VAMOS! 😀

1) kwento niya ang isa sa pinaka-favorite kong book ng SRC 😉

2) ehem… hindi po pambata ito, hahaha!!! the who? 🙂

3) nakupo! ngiti pa lang, ulam na. 😀

4) with special participation of his sweetheart (lol!). for 2 points, who is this cutie SRC hunk? 😉

Were you able to guess everything right? Here is the point system:

5 – Certified SRC Genius to the Nth Power. Ibang klase ka! 😀

4 – Outstanding SRC Babe. May future ka. Hehehe. 🙂

3 – Nice one! Inom pa tayo ng Sustagen Prime for sharper memory, hehe. Para next time, perfect na! 🙂

2Nagbasa Ka Ngunit Kulang, wahehe. (parang pamagat ng pelikula ‘to a)

1 – Medyo may malalim kang iniisip habang sinasagutan ang game na ito. 😐

0 – Ay Ate, nagbasa ka ba talaga? 😦 Hehe… *peace!*

Sana po ay nag-enjoy kayo. Magpapahinga na muna ang inyong lingkod. Till the next SRC Guessing Game. Cheerio! 😉