Posts Tagged ‘ books ’

Latest Addition :)

Kakatapos lang ng defense ko kaya naman may K na ako ngayong pagtuunan ng pansin ang iba pang importanteng bagay… which is my pocketbook collection, hehehe. 😀 Okay naman ang kinalabasan ng aking presentation. Finishing touches na lang at ga-graduate na ako. Wooooohhh!!!! Anyway as you can see, may mga bago na naman akong add-ons sa aking pinakamamahal na collection. 🙂

Nakabili na ako ng latest series ni Ms. Heart Yngrid, ang Love Me Again. Nakakatuwa kasi after ma-release yung first book ng series which is Scheming Hearts, a week after na-release na agad yung second book which is Battle of Love. Yay! Tuwang-tuwa talaga ang lola mo, hahaha! At ito pa, masayang-masaya rin ako dahil binati ako ni Ate Heart dun sa first book ng LMA series niya. Pagkabasa ko ng name ko dun sa Scheming Hearts halos magtitili talaga ako sa sobrang tuwa. And my roommates were like, “Hey, are you okay?” Hahaha… akala siguro ng mga iyon eh tumama na ako sa lotto. Tuwang-tuwa rin yung mga kapatid ko nung mabasa nila yung name ko. Sabi nga nung isa ipabati ko rin daw siya, hehehe. 🙂

Moving on… nakabili na rin ako ng reprinted copies ng Los Caballeros. Hay mabait pa rin talaga si Lord dahil karamihan sa wishes ko for 2011 ay unti-unti na niyang tinutupad, hehehe. Una, yung reprint ng Rancho Estate, then yung reprint ng Fairy Tales and A Love Bet. Ngayon, reprint naman ng Los Caballeros. Yey! This also shows na hindi naman nagbibingi-bingihan ang PHR sa mga requests ng pocketbook fans na tulad ko. Mabuti na lang talaga at hindi natuloy ang pagbili ko online ng Los Caballeros series. Ang mahal pa naman ng patong nung seller na yun sa mga LC books niya tsk.

Anyway hindi rin madaling makahanap ng reprinted copies ng Los Caballeros. Pagdating ko sa Precious Pages sa may SM Manila, ubos na lahat ng copies. Sobrang depressed ako nun. Kaya naman nagbakasakali ako sa National Bookstore. Mukhang sinuswerte naman ako at nakahanap ako ng isang set ng Los Caballeros series doon. Kaya naman sa mga naghahanap ng LC series at isa kayo sa mga katulad kong naubusan na ng copies gayong kaka-reprint pa lamang, try niyong magpunta sa pinakamalapit na National Bookstore sa inyo. Baka doon ay may makita pa kayong naliligaw na copy ng LC, hehehe. 😀

 

O siya sige. Magco-cover muna ako ng mga bago kong koleksyon. Toodles! 🙂

Sunday is Happy Day :)

Hello lovelies! Today is indeed not one of my ordinary days for four (4) special reasons.

First, nakakita na ako ng ilan sa mga old PHR novels na napakatagal ko nang hinahanap. Siyempre 2 klase lang naman ng PHR novels ang kinokolekta ko. 🙂

  1. Novels by Ms. Sonia Francesca
  2. Novels by Ms. Heart Yngrid

And today, nakakuha na ako ng copy ng Love, Lies and Alibis (yes, dito ko nakuha ang title ng blog ko) by Ms. Sonia Francesca at My Ex-Boyfriend’s Wedding, Love Mystery and Hired Husband by Ms. Heart Yngrid. Happiness!!! 😀 Nakakuha rin ako ng Skylander 10: Kristoffer Carlo, The Highland Devil. Have I told you guys that I also collect the whole Skylander Series? Okay Abigail special mention ka sa post na ito dahil ikaw ang dahilan kung bakit napasakamay ko na ang mga ito sa halagang P26,00 lamang. Thanks girl!

You can’t imagine how happy I am today, hahaha. 🙂

As of now marami-rami pa ang kakainin kong bigas bago ko makumpleto ang Sonia Francesca novels collection ko. 😦 Nakakita ako ng mga auctioned novels niya sa Facebook and I’ll tell you, sumakit ang bangs ko sa taas ng presyo. Wahahaha! Moving on, as of Ms. Heart Yngrid’s novels mukhang konti na lang ay makukumpleto ko na rin ang mga books niya. And for that, I wanna give myself another raise, teehee! 😀 Ito na lamang ang mga kulang sa Heart Yngrid collection ko:

  1. Tipsy in Love
  2. Hitch Catch
  3. Ten Sweet Dates
  4. Falling Into You
  5. A Kid For a Wife
  6. How To Kiss A Guy
  7. Wildflower
  8. One True Love
  9. Heir Of The Heart
  10. Wild Love
  11. The Midsummer Night’s Dream of Mandy
  12. The Taming of Tracey
  13. My Lovely Bride: Kimberlee & Markshin
  14. Men in Blue: A Devil In Disguise
  15. Undercover Maid (MSV)
  16. Housemates, Heartmates (MSV)
  17. Race Against Love (MSV)

Yes, yang lagay na yan ay konti na lang para sa akin compared naman sa mga kulang ko pang novels ni Ms. Sonia Francesca. Kapag nakupleto ko yun hay naku magpapamisa ako, hahaha.

The second reason why it’s indeed a Happy Sunday for me is because nakahanap na si Marilyn dear ng Her Own Prince Charming at Back To Your Heart novels by Ms. Sonia Francesca for me!!!! Yehey! Can’t wait for our meet-up girl. 🙂

Double happiness!!!

credits to: Marilyn for the pictures 🙂

This is an Advertisement: 😀

Kaya naman sa mga naghahanap diyan at willing bumili ng mga old novels ni Ms. Sonia Francesca just send Marilyn a message in her FB account and the list of the novels you’re looking for. These are her FB accounts: Jamm Pocketbooks Online and  Marilyn. PM her para mahanapan din niya kayo ng mga novels ni Ms. SF na gusto niyo. Okay? Alright, hehehe. Or you can just leave a comment on this post consisting of your request list if you’re interested.

Third, I read a post na nasa warehouse na ng PHR ang reprinted copies ng Los Caballeros Series by Ms. Sonia Francesca! Kindly refer to my previous post for the details. And according to my friend in FB, kapag meron nang copy sa warehouse ng PHR, by Wednesday ay meron na rin daw sa PHR outlets (I’m not sure kung meron na rin sa National Bookstore nito sa Wednesday). Yipee!!! Sana nga by Wednesday ay meron na nito sa Precious Pages dito sa SM Manila. Triple happiness!!!

Finally, it’s an Ecstatic Sunday for me dahil nahanapan ako ng kapatid ko ng Tell Me When To Love You by Sonia Francesca nang hindi niya sinasadya. Tama. Unexpected ang pagkaka-obtain niya ng Sonia Francesca novel na yun dahil mahilig siyang makipag-swap ng PHR pocketbooks sa mga boardmates niya. Aba buti na lang nakita ko agad yung copy ng novel na yun habang naghahanap ako ng makakain sa kanyang bag (patay-gutom? hahaha!). Pagkakita ko nun, hinablot ko talaga agad sabay sabi sakanya na “Akin na lang ito ha. Wag kang mag-alala papalitan ko ng ibang PHR novels na mas bago pa.” Siyempre natuwa naman siya, hehe. Naku kung alam lang niya kung magkano ang value ng book na iyon kapag pina-auction sa FB, hahaha. Sabi n’ya, “Naku Ate buti nakita mo agad. Balak ko sanang i-swap yan bukas sa boardmate ko ng ibang PHR novels kasi tapos ko nang basahin yan.” Hehehe. I’m so proud of myself. 😀

So that’s the whole story. Hindi ko na kukuhanan ng litrato ang librong iyon dahil kalunos-lunos na talaga ang itsura, hahaha. But I don’t really care. Ipagpapalit ko ang pinakabagong PHR novel makakuha lamang ng old novels ni Ms. Sonia Francesca. Sabi ko nga, “Ganyan ang dakilang kolektor.” Pero sabi naman ng kapatid kong si Michael, “Ganyan ang dakilang adik.” Hahaha!!! Ang epal talaga ng bubwit na yun.

Whew! Napagod ako sa pagkukwento. 10:oo AM pa lang pero parang napakarami nang napakagandang bagay na nangyari sa akin. Lord, salamat po! So hanggang dito na lang muna. Toodles!

Kudos, Los Caballeros!

O. M. freakin’ G! Hello mga diwata. 🙂 Nagawi lang ako saglit para i-share sa inyo ang isang napakagandang balita!

Ang ganda ng cover ‘no?

credits to: Sonia Francesca and Sofia’s Fanatics page for the picture (uploaded by renzie)

While I was browsing through Sonia Francesca and Sofia’s Fanatics page in FB, I saw this certain post that made me superkaduper happy the whole day. According to the post, the reprint of Ms. Sonia Francesca’s Los Caballeros Series will be out soon! I was like “heck yeah!” and was jumping like crazy, hahaha. The long wait was finally over. Sa wakas mare-reprint na rin ang LC. Mabuti na lang at hindi natuloy ang pagbili ko online ng books ng LC dahil sobrang mahal talaga ng mga iyon for the added value (dahil collector’s item daw) not to mention the shipping fee, wahehe. Yay! At least now mae-enjoy na ng lahat ang Los Caballeros Series at its regular price. So ngayon pa lamang I advice na mag-ipon-ipon na tayong lahat para sa nalalapit na reprint ng LC. Especially yung mga addicts sa novels ni Ms. Sonia Francesca (*ehem* like me *ehem*). OMG I can’t wait to get my hands on those goodies *spazzing forever*.

Thank you PHR! This only proves na hindi naman nagbibingi-bingihan ang mga kinauukulan ng PHR sa mga requests ng mga fans for reprints. Kailangan lamang ng kaunting patience. Sabi nga ng Mommy ko, “There is a right time for everything.” Cheerio!

PS: Natuwa ako sa reprinted cover design ng Los Caballeros books. Hangkyut! teehee.

Protected: Koleksyon ng mga Akda ni Bob Ong

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Mga Obra ni Bob Ong

Ang mga obra ni Bob Ong

Waaaa!!!!! Pakiramdam ko ang loser ko dahil ni isang libro ni Bob Ong ay wala pa ako. Paano ba naman kasi may iba akong pinagkakaabalahan kaya palagi kong nalilimutang mag-save para pambili sana ng works ni Bob Ong. Nakakatawa talaga ang mga gawa niya.

Natatandaan ko pa yung una’t huli kong basa ay noong nasa 4th Year highschool pa ako; yung Stainless Longganisa. Hiniram ko lang iyon sa aking ever loyal Friendship at talagang nag-enjoy talaga ako sa pagbabasa. Bentang-benta ang mga kakaibang banat niya kaya naman magmula noon naipangako ko sa sarili ko na mangongolekta na ako ng mga libro niya. Kaso, hanggang ngayon ay nananatiling pangako pa rin iyon dahil ni isa sa mga obra niya ay wala pa ako. Hay…

Anyway, ayoko nang mangako kasi baka hindi na naman matupad. Basta kapag nagkapera ako, nasa priority list ko talaga ang pagbili sa mga books ni Bob Ong. Sa ngayon, nakakita ako ng site na maaring pag-download-an ng ilan sa mga books nya. Siguro magtityaga muna ako sa softcopy. Okay hanggang dito na lang muna. Until my next blog entry. Ciao-sabaw! 😀