Posts Tagged ‘ collection ’

The Sonia Francesca Collection

tumblr_mordo2OsUf1r922azo1_500

Hello lovelies! While going through my news feeds this afternoon, I accidentally bumped on this superkaduper interesting post. It seems like magkakaroon na ng bonggang-bonggang reprint ang mga collector’s item novel ni Inang Reyna (Ms. Sonia Francesca) under PHR!!! This calls for an extravagant celebration.Yipeeee!!!! At last iga-grant na rin ng PHR ang matagal na nating kahilingan. Here is the link to the video teaser of the upcoming The Sonia Francesca Collection under PHR. Enjoy!

The Sonia Francesca Collection… SOON.

Ang tanong, kailan? Kailan kaya ang release ng mga upcoming novels and reprints ni Ms. Sonia Francesca? Well I just hope that it would be sooner habang may budget pa ako. Hehehe! At least may assurance na at ito ang evidence. Kudos, Precious Hearts Romances. This goes to show that PHR is doing everything in their might to grant the requests of their beloved readers. 😉

Complete.. AT LAST!

Hello beautiful earthlings! Gusto ko lamang i-share sa inyo ang aking kasiyahan dahil nakumpleto ko na lahat ng The Floral Collection ni Ms. Sonia Francesca!!! Wooh!!! This collection includes Kissing Miss Wrong, Matters of the Heart, My Lord Ace, Love, Lies, and Alibis, Dear Lies, Hey Gorgeous, Love At Second Sight, The Way You Love Me, at Once and Again. 🙂

Grabe ‘di ako makapaniwala na mapapasakamay ko na rin ang mga ito sa wakas. Hay God is good talaga. Natupad na rin ang isa sa mga pinapangarap ko ngayong taong ‘to, hahay. Sana ma-reprint na rin yung ibang mga old novels ni Ms. SF para mas masaya, hahay! Anyway ico-contain ko muna pansamantala ang aking kasiyahan dahil kailangan ko nang gumawa ng notes para sa lecture ko tomorrow sa aking mga makukulit na estudyante. Babushka pretty peepz! 😉

Nyahaha!!! Parang ewan lang. Pasensya, napa-praning na naman. 😉

Latest Addition to My Collection

SCU: Chloe, The Idealistic Chick

SCU: Pearl, The Sweetheart

Oh yeah! Kangina lamang ay nanggaling akong Precious Pages sa may SM Manila para muling dagdagan ang aking pinakamamahal na pocketbook collection. Luckily, nabili ko na rin sa wakas si Chloe at Pearl!!!! (YIPEEE!!!!) 😀 Continue reading

Protected: Koleksyon ng mga Akda ni Bob Ong

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Mga Obra ni Bob Ong

Ang mga obra ni Bob Ong

Waaaa!!!!! Pakiramdam ko ang loser ko dahil ni isang libro ni Bob Ong ay wala pa ako. Paano ba naman kasi may iba akong pinagkakaabalahan kaya palagi kong nalilimutang mag-save para pambili sana ng works ni Bob Ong. Nakakatawa talaga ang mga gawa niya.

Natatandaan ko pa yung una’t huli kong basa ay noong nasa 4th Year highschool pa ako; yung Stainless Longganisa. Hiniram ko lang iyon sa aking ever loyal Friendship at talagang nag-enjoy talaga ako sa pagbabasa. Bentang-benta ang mga kakaibang banat niya kaya naman magmula noon naipangako ko sa sarili ko na mangongolekta na ako ng mga libro niya. Kaso, hanggang ngayon ay nananatiling pangako pa rin iyon dahil ni isa sa mga obra niya ay wala pa ako. Hay…

Anyway, ayoko nang mangako kasi baka hindi na naman matupad. Basta kapag nagkapera ako, nasa priority list ko talaga ang pagbili sa mga books ni Bob Ong. Sa ngayon, nakakita ako ng site na maaring pag-download-an ng ilan sa mga books nya. Siguro magtityaga muna ako sa softcopy. Okay hanggang dito na lang muna. Until my next blog entry. Ciao-sabaw! 😀