Posts Tagged ‘ collector’s item ’

Protected: Sonia Francesca: For The Love Of Jeremiah

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Advertisements

Complete.. AT LAST!

Hello beautiful earthlings! Gusto ko lamang i-share sa inyo ang aking kasiyahan dahil nakumpleto ko na lahat ng The Floral Collection ni Ms. Sonia Francesca!!! Wooh!!! This collection includes Kissing Miss Wrong, Matters of the Heart, My Lord Ace, Love, Lies, and Alibis, Dear Lies, Hey Gorgeous, Love At Second Sight, The Way You Love Me, at Once and Again. 🙂

Grabe ‘di ako makapaniwala na mapapasakamay ko na rin ang mga ito sa wakas. Hay God is good talaga. Natupad na rin ang isa sa mga pinapangarap ko ngayong taong ‘to, hahay. Sana ma-reprint na rin yung ibang mga old novels ni Ms. SF para mas masaya, hahay! Anyway ico-contain ko muna pansamantala ang aking kasiyahan dahil kailangan ko nang gumawa ng notes para sa lecture ko tomorrow sa aking mga makukulit na estudyante. Babushka pretty peepz! 😉

Nyahaha!!! Parang ewan lang. Pasensya, napa-praning na naman. 😉

Arigatou PHR!

Hai hai hai! Hindi kayo dinadaya ng inyong paningin. Matapos mai-release ng Kissing Miss Wrong, Matters Of The Heart, at My Lord Ace, tunay ngang nai-release na rin ng sabay-sabay under PHR The Floral Collection ang anim pa sa mga unang novels ni Ms. Sonia Francesca. Ito ay ang mga sumusunod: 

  1. Love, Lies, And Alibis
  2. Hey, Gorgeous
  3. Dear Lies
  4. The Way You Love Me
  5. Once And Again
  6. Love At Second Sight

Kaya naman I’m so thankful to PHR for hearing us out. Malaking tulong talaga ito sa mga tulad kong super fan ni Ms. SF na wala pa ng mga supah collectible novels na ito dahil nga may mga taong napakahilig manghiram pero hindi naman marunong magbalik… hay. Anyway, napakagandang pamasko talaga ng mga goodies na ‘to para sa aking sarili, hehehe! Pasensiya na, adiktus lang.

So what are ya waitin’ for? Go grab your copies now. And again, Arigatou PHR! Cheerio!

P.S.: Need teasers? Go here: http://iheartfrance.blogspot.com/ 🙂 And oh, by the way the picture isn’t mine and I forgot where I ripped this one, sorry. Just so you know. 😉

UP-LATE?!

Hay… kakatapos ko lamang i-rush ang pagko-compute ng grades ng mga makukulit kong estudyante kaya naman ngayon lamang ako nalibre. Sabi nga nila, “It’s better late than never.” Kaya naman kahit medyo late na, ibabalita ko pa rin ang mga mabubuting balitang ito regarding the progress of the reprinted copies of Ms. Sonia Francesca’s novels.

Number 1. Alam niyo ba na may pangatlo nang installment ng Floral Collection si Ms. Sonia Francesca at ito ay ang reprint ng “My Lord Ace”, ang nakakakilig na kwento ng masungit-cum-gwapong si Ace at ng pretty-cum-makulit na photographer na si Prix. Actually ‘di ko pa alam kung saang branch ng PHR na mayroon nito dahil ako man ay kasalukuyang naghahanap pa rin ng reprinted copy nito. *sigh*

PHR’s The Floral Collection presents: My Lord Ace

photo credit: Los Caballeros (Series by Sonia Francesca) Facebook Fanpage

Number 2. May reprint na rin ang Batch 1 ng Skylander Series (hallelujah!) na isinulat ng pinakapaborito kong tandem ng PHR na sina Sonia Francesca & Sofia. It’s superkaduper out now in the market so go grab your copies now para sa mga wala pa at para sa mga katulad kong kahit na may copy na ay bumili pa rin just to support my beloved writers (ganyan ang praning, ahahaha!). 😉

This slideshow requires JavaScript.

photo credit: Skylander Series Facebook Fanpage

Well, so far yan pa lang naman ang mai-a-update ko sa inyo. I’ll try my best to keep you guys posted on the future novels, updates, and upcoming releases of Ms. Sonia Francesca. So, ciao for now! 🙂

Bili Naaaaa!!!

Sa wakas ay out na rin ang pinakahihintay kong second batch of PHR’s The Floral Collection. Kaya mga kababayan, bili-bili na po tayo. Ang alam ko sa SM MOA ay available na ang 2nd batch ng The Floral Collection. So ano pang hinihintay niyo? SUGOD MGA KAPATID, KAPAMILYA, AT KAPUSO!!! HAHAHA!

Ito ang dalawang priority novels na kailangan kong mabili, by hook or by crook, hehehe!

Matters Of The Heart by Ms. Sonia Francesca

How To Kiss A Guy by Ms. Heart Yngrid

photo credit: Rex Pocketbook Collection on Facebook

Hard Work Pays Off

Bonjour lovely creatures! Pasensya na kung ngayon lamang ako nakapag-post ulit. Hindi ako makagawa ng SRC Guessing Game Part 3 dahil ayaw mag-upload sa Imageshack ng mga gifs na ginawa ko kaya naman medyo sadness ang lola niyo ngayon.

Anyway on a brighter side, umabot na ng 1000+ likers ang Facebook page petition na Request for Reprint Sonia Francesca Single Novels. Which only means… magkakaroon na talaga ng reprint of Sonia Francesca’s novels under PHR Collections!!! Yahoo!!! At siyempre isa ako sa 1000+ na nag-like ng page na ‘to kaya para sa hindi pa nakakapag-like, i-like n’yo na para mas ma-pressure ang PHR management na i-reprint na ASAP ang mga bonggacious na nobela ng ating Inang Reynang si Ms. Sonia Francesca.

Nakita n’yo naman kung gaano karaming readers ang nag-aasam ng reprint ng mga novels ni Ms. SF kasi nga super out na talaga sa market at madalang pa sa patak ng ulan sa disyerto kung makita ang mga obra ni Ms. SF. Meron namang iba, kung hindi ipapa-auction, napakataas naman ng patong sa presyo dahil nga naman daw super collectors’ items na. Whatever!

Kaya naman sana magkaroon na ng reprints ang kanyang mga obra under PHR Collections. I’m sure maraming mga super fans ng novels niya (ehem like me ehem) ang magbubunyi. Actually, nag-conduct pa nga ako ng sarili kong poll kung ano sa tingin ng mga PHR readers na bumubisita sa site ko ang dapat na susunod na i-reprint na nobela ni Ms. SF. At ito ang naging resulta:

Congrats to Cafe Helenas’ Pitong Berdugo!!! 😀

Ahm… para sa mga hindi nakapansin ito yung dating black rectangle thingy na nasa right sidebar ng blog na ito, hehehe. Nakita niyo naman, among all her series, yung pseudo-series pa niya ng Pitong Berdugo ng Cafe Helenas under PHR Collections ang nais mai-reprint ASAP ng mga PHR readers like me. So to the PHR management, na-exhaust na po namin ang lahat ng paraan para magka-reprint na po ang mga obra ni Ms. SF. Pursigido po talaga kaming magkaroon ng sarili naming hard copy ng mga nobela ni Ms. SF. Kaya po sa nalalapit na reprint ng mga bonggang-bongga at kwelang nobela ng Inang  Reyna, MARAMING MARAMING SALAMAT PO! 😉

Indeed, hard work pays off. The harder you work, the luckier you get, ehehe. Cheerio!

P.S.: According to Ms. SF (via Facebook), dinala na daw  niya sa PHR office yung mga copies ng old novels niya last week kasi tinawagan daw siya ng kanilang bossing na kailangan na ng mga old novels niya for reprints. So I guess kaunting hintay na lamang at magkakaroon na ng katuparan ang ating pinakaaasam na REPRIIIIIIIINT!!!! Yosh! 😀

Latest Addition :)

Kakatapos lang ng defense ko kaya naman may K na ako ngayong pagtuunan ng pansin ang iba pang importanteng bagay… which is my pocketbook collection, hehehe. 😀 Okay naman ang kinalabasan ng aking presentation. Finishing touches na lang at ga-graduate na ako. Wooooohhh!!!! Anyway as you can see, may mga bago na naman akong add-ons sa aking pinakamamahal na collection. 🙂

Nakabili na ako ng latest series ni Ms. Heart Yngrid, ang Love Me Again. Nakakatuwa kasi after ma-release yung first book ng series which is Scheming Hearts, a week after na-release na agad yung second book which is Battle of Love. Yay! Tuwang-tuwa talaga ang lola mo, hahaha! At ito pa, masayang-masaya rin ako dahil binati ako ni Ate Heart dun sa first book ng LMA series niya. Pagkabasa ko ng name ko dun sa Scheming Hearts halos magtitili talaga ako sa sobrang tuwa. And my roommates were like, “Hey, are you okay?” Hahaha… akala siguro ng mga iyon eh tumama na ako sa lotto. Tuwang-tuwa rin yung mga kapatid ko nung mabasa nila yung name ko. Sabi nga nung isa ipabati ko rin daw siya, hehehe. 🙂

Moving on… nakabili na rin ako ng reprinted copies ng Los Caballeros. Hay mabait pa rin talaga si Lord dahil karamihan sa wishes ko for 2011 ay unti-unti na niyang tinutupad, hehehe. Una, yung reprint ng Rancho Estate, then yung reprint ng Fairy Tales and A Love Bet. Ngayon, reprint naman ng Los Caballeros. Yey! This also shows na hindi naman nagbibingi-bingihan ang PHR sa mga requests ng pocketbook fans na tulad ko. Mabuti na lang talaga at hindi natuloy ang pagbili ko online ng Los Caballeros series. Ang mahal pa naman ng patong nung seller na yun sa mga LC books niya tsk.

Anyway hindi rin madaling makahanap ng reprinted copies ng Los Caballeros. Pagdating ko sa Precious Pages sa may SM Manila, ubos na lahat ng copies. Sobrang depressed ako nun. Kaya naman nagbakasakali ako sa National Bookstore. Mukhang sinuswerte naman ako at nakahanap ako ng isang set ng Los Caballeros series doon. Kaya naman sa mga naghahanap ng LC series at isa kayo sa mga katulad kong naubusan na ng copies gayong kaka-reprint pa lamang, try niyong magpunta sa pinakamalapit na National Bookstore sa inyo. Baka doon ay may makita pa kayong naliligaw na copy ng LC, hehehe. 😀

 

O siya sige. Magco-cover muna ako ng mga bago kong koleksyon. Toodles! 🙂