Posts Tagged ‘ novels ’

Wish Came True!

Kyaaaa!!!! I really really love this day! This is the day my utmost wish had finally came true. Sa wakas ay mare-release na ang Stallion Revisited. Wooo!!! Party party!!! According sa recent post ni Ms. Sonia Francesca, mare-release ito sa nalalapit na booksigning ng mga piling PHR writers sa Cebu kaya naman talagang naiinggit ako sa mga Cebuanos diyan… waaa!!! Ang gwapo talaga ni Wu Chun. Siya na ngayon ang official face ni Jakob Dylan Arenaz, my new found love hahaha! Sa wakas madudugtungan na rin ang legendary series na SRC. Banzai! (photo credits: Sonia Francesca PHR’s Facebook)

In addition, mare-release din sa mismong booksigning event ang Hot Intruder: The Mysterious Intruder at SCU: Anikka ni Ms. Heart Yngrid, at ang Stallion Island 15 ni Ms. Sofia… hubba hubba!

Ito ang schedule ng PHR writers sa Cebu:

Promo Posters! 🙂

  • July 22: Metro Gaisano Colon
  • July 23: SM City Cebu
  • July 24: Gaisano Ayala

The event will start at exactly 1 PM. Watch out for your favorite PHR writers: Heart Yngrid, Sonia Francesca, and Sofia!!! 😉

photo credits: Precious Pages’ Facebook

Nagkaroon na rin pala ng new release si Ms. Sonia Francesca under Chapters of the Heart. Ito ang love story ni Tinay at Leon. Click the image for a higher quality version. 🙂

Guardian Of My Heart

“Hayan, may bago ng guwardiya ang puso mo…”

Tinay grew up with loving a boy from a picture her aunt gave her when she was a child. At ang larawang iyon ng batang lalaki ang naging pananggalang niya sa mga gustong manligaw sa kanya. She never wanted to get hurt so she would use every way possible to dodge getting hurt.

Years passed, nagbalik ang tiyahin niyang may sala ng lahat at sinabi sa kanya na maaari na niyang makita ang mature version ng batang lalaki sa paborito niyang larawang iyon. She had no idea she was secretly saving herself for that man.

Nang magkita sila sa wakas, doon niya nalaman na kasabay ng paglaki niya kasama ng larawan ng batang iyon ay ang paglago rin ng damdamin niya para rito. But the mature version already has a girlfriend. And he was gearing up to propose to that woman.

Paano na ang puso niyang nasanay na ang tanging minamahal ay ang lalaking iyon sa larawan?

I love the cover colour. It’s so… pink. Kekeke! Kaunting trivia lang, ang pangalan ng mga bida ay hango sa names ng mga cute real life pamangkins ni Ms. Sonia Francesca, Tinay and Leon!

Lotsa goodies ahead so I need to be thriftier than usual. In short, kailangang magkuripot muna ngayon at maglaan ng pera para sa aking pinakamamahal na koleksyon, hahaha!!! Sige, gagawa muna ako ng lesson plan ko. Ooops, wait. Did I ever mention I’m already a college teacher now, kekeke. Now you know. Cheerio! 😉

Advertisements

“The Floral Collection” Promo!

Hola! Like what I’ve mentioned in my previous post, the first novels of selected PHR writers will be reprinted under PHR’s “The Floral Collection”. In addition, PHR will have this promo:

I think this is only a one-day promo. So go and visit the nearest Precious Pages in your place on the 24th of June and avail of these cool goodies and promo brought to you by the home of the best love stories of all time – Precious Hearts Romances. 😉

Kissing Miss Wrong Reprint Soon!

Before anything else, I wanted to greet every father in this planet a Happy Happy Father’s Day!!! At para sa aking pinakamamahal na ama, Happy Father’s Day Dad! Marapat lamang na pasalamatan natin ang ating mga butihing ama sa espesyal na araw na ito sapagkat kung ‘di dahil sa kanila, wala tayo sa mundong ito. 🙂

Moving on, narinig niyo na ba – or rather, napanuod niyo na ba ang video presentation ng PHR titled “The Floral Collection”? Ang “The Floral Collection” ng PHR ay naglalaman ng mga reprinted super collector’s item novels ng ilan sa mga piling manunulat ng PHR. Tama ang nabasa ninyo, REPRINTED COPIES nga! Heto pa, swerteng napabilang sa lineup ng mga ire-reprint na novels ang pinakaunang nobelang naisulat ng ating Inang Reynang si Ms. Sonia Francesca under PHR – ang Kissing Miss Wrong. Kaya nga sa mga tulad kong nawalan ng copy nito or wala pa talagang kopya nito, isa talagang napakagandang balita na sa wakas ay ire-reprint na ito!

Heto ang sample ng “Kissing Miss Wrong” reprinted copy under PHR’s The Floral Collection 🙂

photo credit: Rex Pocketbook Collection’s Facebook account

Napakaganda talaga ng cover concept ng PHR “The Floral Collection”. Mahilig ako sa mga bulaklak kaya na-appreciate ko yung paggamit ng iba’t-ibang kulay at uri ng bulaklak bilang cover design ng mga libro. Lalo na itong cover concept ng Kissing Miss Wrong kung saan ang ginamit na bulaklak ay yellow tulips. Ayon sa nabasa ko, yellow tulips mean “there’s sunshine in your smile“. Kaya naman kapag binigyan kayo ng isang lalaki ng yellow tulips ang ibig sabihin, “there’s sunshine in your smile“… ayiii!!! O ‘di ba, isa na namang dagdag kaalaman. 🙂 Naalala ko tuloy yung mga bulaklak ng tulips sa SRC na ayon kay Nadja ay nagkakahalaga ng 700 pesos. 😉

Anyway, tiyak na marami ang aabangan ang paglabas ng mga kopya ng mga nobelang ito, including yours truly. Bukod kay Ms. Sonia Francesca, ang ibang mga PHR writers na kasama sa lineup ng “The Floral Collection” ay sina Heart Yngrid (Hitch Catch), Sofia (Closer You And I), Victoria Amor (Seven Days To Love), Angel Bautista (Kailan Kita Pwedeng Mahalin?), Sheena Rose (Flip’s Love), Belle Feliz (Happy Ever After), etc.

Kaya naman ngayon pa lamang ay simulan na po nating mag-ipun-ipon para kapag na-release na ang mga nobela under “The Floral Collection”, naka-ready na rin ang ating mga datung…. hehehe! Hwaiting! 😀

Sonia Francesca Novels Update!

So I think it has been awhile since I last visited this site. Basically nagagawi lang ako dito to answer your questions and requests. So naligaw lang ako ngayon dito saglit para i-update ang aking SF Novels list. Napag-alaman ko kasi na bukod sa PHR, magsusulat na rin sa ibang publications si Ms. Sonia Francesca (pero syempre using other pen name/s). But don’t worry bacause she’s still with PHR. Gayunpaman, sana ay patuloy pa rin po nating subaybayan ang kanyang mga akda. Ipakita pa rin po sana natin ang ating suporta sa nag-iisang Inang Reyna ng kwela-nobela (wahehe).

Personally, malaki talaga ang tulong sa akin ng mga novels ni Ms. SF. Kapag talagang depressed at stressed ako, only her novels could brighten up my gloomy days.

In a nutshell, I just wanted to  extend my support for Ate Che (aka Sonia Francesca) through this blog and reach out to all those people who also enjoy her novels to please keep on supporting her works may it be under PHR or not. 😀

So for the teasers of Ms. SF’s upcoming novels, you could go through this link:

http://cafehelenashive.proboards.com/index.cgi?board=announcementsupdates&action=display&thread=417&page=1

Hala mga girls marami-rami tayong aabangan! Sulit ang matagal nating paghihintay. 😉 Maraming salamat nga pala kay Ate Mhelai sa pag-a-update sa amin sa Cafe Helenas Hive ng whereabouts ni Ms. SF. 🙂

And like what I’ve said earlier, I also updated my SF Novels list:

https://theuntouchableme.wordpress.com/m-e-sf-novels/

Feel free to browse through the list; check n’yo baka may kulang pa kayo sa collection niyo, wahehe.

So I guess that’s all for today. Ja ne! 😉

GaGa Over PHR Novels

Oh…kay. I would be uploading scans of RARE COLLECTOR’S ITEM NOVELS of selected PHR writers like Sofia and Sonia Francesca

BUT! it would be password protected because it’s for my personal use only *fufufu*. 😀 Pa’no ba naman kasi, wala nang space ang aking hard drive idagdag pa na sira ang aking CD/DVD burner kaya wala talaga akong choice kundi ang mag-declog ng mga pinakamamahal kong files mula sa aking pobreng laptop para hindi sya bumagal. Anyway heto na ang aking mga prized possessions bilang isang PHR novel addict, at bilang isang certified Sofia y Sonia Francesca-holic. Hehehe! Kaya naman without further ado, uumpisahan ko na ang pag-a-upload bago pa ako tamaan ng aking disease na katamaran. Ja!

My favorite PHR writers!