Posts Tagged ‘ los caballeros ’

Latest Addition :)

Kakatapos lang ng defense ko kaya naman may K na ako ngayong pagtuunan ng pansin ang iba pang importanteng bagay… which is my pocketbook collection, hehehe. 😀 Okay naman ang kinalabasan ng aking presentation. Finishing touches na lang at ga-graduate na ako. Wooooohhh!!!! Anyway as you can see, may mga bago na naman akong add-ons sa aking pinakamamahal na collection. 🙂

Nakabili na ako ng latest series ni Ms. Heart Yngrid, ang Love Me Again. Nakakatuwa kasi after ma-release yung first book ng series which is Scheming Hearts, a week after na-release na agad yung second book which is Battle of Love. Yay! Tuwang-tuwa talaga ang lola mo, hahaha! At ito pa, masayang-masaya rin ako dahil binati ako ni Ate Heart dun sa first book ng LMA series niya. Pagkabasa ko ng name ko dun sa Scheming Hearts halos magtitili talaga ako sa sobrang tuwa. And my roommates were like, “Hey, are you okay?” Hahaha… akala siguro ng mga iyon eh tumama na ako sa lotto. Tuwang-tuwa rin yung mga kapatid ko nung mabasa nila yung name ko. Sabi nga nung isa ipabati ko rin daw siya, hehehe. 🙂

Moving on… nakabili na rin ako ng reprinted copies ng Los Caballeros. Hay mabait pa rin talaga si Lord dahil karamihan sa wishes ko for 2011 ay unti-unti na niyang tinutupad, hehehe. Una, yung reprint ng Rancho Estate, then yung reprint ng Fairy Tales and A Love Bet. Ngayon, reprint naman ng Los Caballeros. Yey! This also shows na hindi naman nagbibingi-bingihan ang PHR sa mga requests ng pocketbook fans na tulad ko. Mabuti na lang talaga at hindi natuloy ang pagbili ko online ng Los Caballeros series. Ang mahal pa naman ng patong nung seller na yun sa mga LC books niya tsk.

Anyway hindi rin madaling makahanap ng reprinted copies ng Los Caballeros. Pagdating ko sa Precious Pages sa may SM Manila, ubos na lahat ng copies. Sobrang depressed ako nun. Kaya naman nagbakasakali ako sa National Bookstore. Mukhang sinuswerte naman ako at nakahanap ako ng isang set ng Los Caballeros series doon. Kaya naman sa mga naghahanap ng LC series at isa kayo sa mga katulad kong naubusan na ng copies gayong kaka-reprint pa lamang, try niyong magpunta sa pinakamalapit na National Bookstore sa inyo. Baka doon ay may makita pa kayong naliligaw na copy ng LC, hehehe. 😀

 

O siya sige. Magco-cover muna ako ng mga bago kong koleksyon. Toodles! 🙂

Kudos, Los Caballeros!

O. M. freakin’ G! Hello mga diwata. 🙂 Nagawi lang ako saglit para i-share sa inyo ang isang napakagandang balita!

Ang ganda ng cover ‘no?

credits to: Sonia Francesca and Sofia’s Fanatics page for the picture (uploaded by renzie)

While I was browsing through Sonia Francesca and Sofia’s Fanatics page in FB, I saw this certain post that made me superkaduper happy the whole day. According to the post, the reprint of Ms. Sonia Francesca’s Los Caballeros Series will be out soon! I was like “heck yeah!” and was jumping like crazy, hahaha. The long wait was finally over. Sa wakas mare-reprint na rin ang LC. Mabuti na lang at hindi natuloy ang pagbili ko online ng books ng LC dahil sobrang mahal talaga ng mga iyon for the added value (dahil collector’s item daw) not to mention the shipping fee, wahehe. Yay! At least now mae-enjoy na ng lahat ang Los Caballeros Series at its regular price. So ngayon pa lamang I advice na mag-ipon-ipon na tayong lahat para sa nalalapit na reprint ng LC. Especially yung mga addicts sa novels ni Ms. Sonia Francesca (*ehem* like me *ehem*). OMG I can’t wait to get my hands on those goodies *spazzing forever*.

Thank you PHR! This only proves na hindi naman nagbibingi-bingihan ang mga kinauukulan ng PHR sa mga requests ng mga fans for reprints. Kailangan lamang ng kaunting patience. Sabi nga ng Mommy ko, “There is a right time for everything.” Cheerio!

PS: Natuwa ako sa reprinted cover design ng Los Caballeros books. Hangkyut! teehee.

Protected: Sonia Francesca: Los Caballeros 1 ~ Basta Para Sa’Yo

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Protected: Sonia Francesca: Los Caballeros 2 ~ Simply Meant To Be

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Protected: Sonia Francesca: Los Caballeros 3 ~ Pustahan Tayo, Mahal Kita

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Protected: Sonia Francesca: Los Caballeros 5 ~ Guilty Of Loving You

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Protected: Sonia Francesca: Los Caballeros 7 ~ My Girl

This content is password protected. To view it please enter your password below: