Archive for September, 2011

Free Reading: For The Love Of Jeremiah

Bonjour lovely creatures! Kamusta naman kayo? Ako okay na okay dahil champion ang aking alma mater sa 2011 UAAP Cheerdance Competition!!! YAHOO!!! Congratulations to UP PEP Squad!!! Sobrang gagaling ninyo. You’ve showed us that not all blondes are dumb. LOL! 😀

Anyway, may mga tanong ako sa inyo. Nabasa niyo na ba ang kwento ng mga members ng Sentinel band na isinulat ni Ms. Sonia Francesca? Yung kwento nina Tommy (Crazy Little Thing Called Love), Raijin (For The Love Of Hellene), Lancer (For The Love Of Julie), at Jaycob (For The Love Of Myla)? Naaalala niyo pa ba ang makisig na record producer ng banda na walang iba kundi si Jeremiah? Alam niyo bang ang poging-poging si Jeremiah ay may love story din? Gusto niyo bang mabasa ang kwento niyang isinulat ni Ms. Sonia Francesca ngunit hindi niyo alam kung saan mahahagilap ito? Well, I’m so happy to announce na tapos na ang problema niyo! (O ‘di ba, ang dami kong tanong? Hehehe!)

Paano niyo mababasa ang love story ng poging-poging record producer ng Sentinel na si Jeremiah? Magpunta lamang sa link na ito: For The Love Of Jeremiah. Siyempre, kailangan niyo munang mag-register sa PHR bago niyo ma-access ang kwento ni Jeremiah my labs, hehehe. Siyempre before or after you read Jeremiah’s story, don’t forget to vote and give a positive feedback ha! Please do request to PHR to print a hard copy of Jeremiah’s story because it’s a very very well-written love story of course by no other than Ms. Sonia Francesca.

So if you have a free time, kung ikaw ay nababagot at walang magawa, just read Jeremiah’s story and it will surely brighten up your day. Of course you can access it for free, para everybody HAPPY! 😉 Thank you PHR. Cheerio!

P.S. Ito ang nai-imagine kong hitsura ni Jeremiah my labs habang binabasa ko ang For The Love Of Jeremiah, kekeke! 😀

I so love this pair! Pagbigyan niyo na ako, hahay. 😀

Advertisements

Bili Naaaaa!!!

Sa wakas ay out na rin ang pinakahihintay kong second batch of PHR’s The Floral Collection. Kaya mga kababayan, bili-bili na po tayo. Ang alam ko sa SM MOA ay available na ang 2nd batch ng The Floral Collection. So ano pang hinihintay niyo? SUGOD MGA KAPATID, KAPAMILYA, AT KAPUSO!!! HAHAHA!

Ito ang dalawang priority novels na kailangan kong mabili, by hook or by crook, hehehe!

Matters Of The Heart by Ms. Sonia Francesca

How To Kiss A Guy by Ms. Heart Yngrid

photo credit: Rex Pocketbook Collection on Facebook

SRC Guessing Game Part 4

Isang maulan na madaling araw gawjus people of the Philippines and around the world (wahaha!)! Sa wakas ay tinamad na naman akong gumawa ng lesson plan kaya naisipan ko ulit mag-post ng isang SRC Guessing Game. In all fairness, ito na ang aking fourth installment ng guessing game featuring our beloved SRC hunks. Pero bago ko i-post ulit ang mga litratong aking pahuhulaan, sana ay na-enjoy ninyo ang SRC Guessing Game Part 3. Napansin kong medyo marami ang nalilito sa paghula ng identity nung ibang SRC boys. Siguro dahil medyo in motion sila sa mga pictures, haha. Anyway, I’m sure kung super fan kayo ng mga Stallion boys mape-perfect niyo na naman itong 4th installment ng SRC Guessing Game.

But before anything else, I have a disclaimer for those who will answer this game for the first time. Before answering (commenting) this, kindly read first the mechanics of the game right here. Wala po sanang pasaway baka po kasi mapagalitan ako, wahehehe. 😀

So without further ado, inihahandog ko sa inyo ang fourth set ng SRC Guessing Game. Enjoy and Goodluck!

Uno, dos, tres… VAMOS! 😀

1) kwento niya ang isa sa pinaka-favorite kong book ng SRC 😉

2) ehem… hindi po pambata ito, hahaha!!! the who? 🙂

3) nakupo! ngiti pa lang, ulam na. 😀

4) with special participation of his sweetheart (lol!). for 2 points, who is this cutie SRC hunk? 😉

Were you able to guess everything right? Here is the point system:

5 – Certified SRC Genius to the Nth Power. Ibang klase ka! 😀

4 – Outstanding SRC Babe. May future ka. Hehehe. 🙂

3 – Nice one! Inom pa tayo ng Sustagen Prime for sharper memory, hehe. Para next time, perfect na! 🙂

2Nagbasa Ka Ngunit Kulang, wahehe. (parang pamagat ng pelikula ‘to a)

1 – Medyo may malalim kang iniisip habang sinasagutan ang game na ito. 😐

0 – Ay Ate, nagbasa ka ba talaga? 😦 Hehe… *peace!*

Sana po ay nag-enjoy kayo. Magpapahinga na muna ang inyong lingkod. Till the next SRC Guessing Game. Cheerio! 😉

Busy Bee

Kamusta kayo beautiful people of the planet Earth! Gomenasai, mianhe, sorry, at patawad talaga kung matagal akong hindi nakakapag-paramdam sa inyong mga kagandahan sapagkat ako’y busy-busy-han sa aking bagong propesyon – ang pagiging isang guro ng isang unibersidad dito sa probinsya ng Pangasinan (O ‘di ba, kung maka-Tagalog parang Buwan ng Wika pa rin, hehehe!).

Anyway, napadaan lamang ako para i-plug ang fan page ng isa sa aking ever favorite writer ng PHR, walang iba kundi si Ms. Sonia Francesca at para na rin mag-update ng mga dapat i-update. 😉

Mga kapatid, kung kayo po ay kapanalig din ng mga praning na tulad ko na mahilig magbasa ng mga nakakatuwang nobela ni Mrs. Bob Ong, maaari po ninyong i-like ang FB page na ito upang makasagap kayo ng mga sariwang balita o updates mula mismo kay Ms. Sonia Francesca. Kindly click the link and… Ariba!

 Sonia Francesca’s Official Facebook Fan Page

photo credit: Sonia Francesca Fan Page on Facebook

Maliban pa po diyan, ang isa pang balitang lubos na nakapagpasaya sa akin ay nang malaman kong na-release na ang nobela ni Ms. Sonia Francesca under My Special Valentine titled: I Love You Anyway. Kakabasa ko lang nito kagabi, and I must tell you, sobrang kikiligin kayo kay Fafa Knight-in-shining-armor kahit medyo mukhang buhok na tinubuan ng tao ang pagkaka-describe sa kanya ni Ms. SF, hahaha! Ay oo nga pala, Marion Grace ang ginamit niyang nom de plume (pen name) dito. Kaya naman para sa mga hindi pa nakakakuha ng copy at hindi aware na si Ms. SF at Marion Grace ay iisa, please grab your copies now bago kayo magsisi kapag naubusan na kayo ng bonggang-bongga.

Tiyak na mai-inlove kayo sa story nina Ruth Jean at fafa Knight my labs!

Heto pa! Talagang hindi tayo mauubusan ng update sapagkat matagal tayong na-diyeta sa balita kaya itodo na natin ito, hahaha!!! Matapos ma-release ulit ang first ever novel ni Ms. Sonia Francesca na Kissing Miss Wrong under PHR’s The Floral Collection, muli na namang magkakaroon ng reprint ang isa mga collector’s item novel ni Ms. SF titled: Matters Of The Heart. Marahil gustung-gusto niyo nang malaman kung kailan. Ngunit sa kasamaang-palad, iyan po ay hindi ko rin masasagot sapagkat wala pa pong definite date na binanggit. Gayunpaman, at least, makakaasa tayong may lalabas na namang reprint ng old novel ni Ms. SF under PHR’s Floral Collection. Kaya naman po, tayong lahat ay mabunyi!!!! YEHEY!!!

In addition, magkakaroon din ng reprint ang How To Kiss A Guy ng isa pa sa paborito kong PHR writer na si Ms. Heart Yngrid. Siyempre, under din ito sa The Floral Collection ng PHR. Grabe PHR, I LOVE YOU na talaga to the max!!!

Grabe parang gusto kong magpa-piyesta kaso wala lang nga akong kaperahan, wahahaha!!! Ay naku, parang ewan ako dito, mag-isang tumatawa. O sige, pa’no ba yan. Hanggang dito na lamang muna ang aking update at gagawa pa ako ng notes para sa ile-lecture ko bukas sa aking mga makukulit na estudyante. Wish me luck. Goodnight and God Bless everyone! 🙂