Posts Tagged ‘ pocketbook ’

Pahabol: Goldilocks and Her Prince & I Do… Take Two

Oh yeah! Bilang pahabol ng PHR, sa wakas ay may reprint na rin ang Goldilocks And Her Prince. Yung story na lang nina Dallas at Tanner (I Do… Take Two), at Preciosa este Pretzel at Alec (Birubiruan Ng Puso)  na lang ang kulang at makukumpleto na rin ang Pitong Berdugo Series ng Cafe Helenas, hehehe. Thank you PHR for granting our utmost requestssssssszzzzzz!!!!!

Goldilocks And Her Prince

“I don’t want fairy tales anymore. I just want you.”

Kahit dis-oras ng gabi ay sinugod ni Mae si Leanard sa bahay nito. Galing dito ang subpoena na natanggap niya at nagpapasakit ngayon sa ulo niya dahil sa di-sinasadyang pagkakadisgrasya niya sa bakuran nito.

“We need to talk,” matigas na sabi niya, ngunit ang mga mata ay hindi maiwasang maglakbay sa malapad na dibdib nito at pipis na tiyan. “Magbihis ka nga!”

Pero tila wala itong narinig, sa halip ay nanatili lang itong nakatayo naang tanging saplot sa katawan ay boxer shorts lang.

“You’re in my house so don’t you raise your voice on me, Miss. At tungkol sa subpoena, abogado ko na ang kausapin mo. Now, get out or I’ll take off my boxers in front of you.”

Natigilan siya, awang ang bibig na hawak pa rin ang subpoena. Nang marinig niya ang tinig nito ay tila noon lang muling nagbalik ang kanyang katinuan, ngunit hindi ang normal na tibok ng kanyang puso.

Hehe… heto pa!!! Ayiiiiiii!!!!!

I Do… Take Two

“I’ll make you happy every single day, every single minute, every single second until you get sick of it. But even that won’t stop me from loving you and making you happy.”

Panay ang parinig ng mga kaibigan ni Dallas sa kanya. Siya na lang kasi ang unattached sa kanilang magkakaibigan. Ang hindi alam ng mga ito, may asawa na siyang naiwan sa Australia.

Hindi sana malalaman ng mga ito ang tungkol doon kung hindi nagpakita ang magaling niyang asawa. Ang buong akala niya ay susunduin na siya nito, na sasabihin nitong bumalik na siya rito dahil hindi ito mabubuhay nang wala siya sa tabi nito.

Pero ang hudyo, sa halip na manikluhod, iwinagayway sa harap niya ang divorce papers nila!

Advertisements

New Release!: It’s Just You

Ayos! May new release na naman si Inang Reyna (Sonia Francesca). Kahit super busy ko hindi pwedeng hindi ko i-update ang blog. So guys, ipon-ipon na ulit tayo dahil mukha tinotodo na ng PHR ang pagpapasaya sa atin, hehehe! Sana magtuloy-tuloy na ‘to!!! AJA!

It’s Just You by Sonia Francesca

“If you want to fall in love with me, it’s fine. Go ahead and fall.”

Jeni was a very pampered princess to her rich parents. And since she was a princess, she ought to have her own prince. Isa lang ang naiisip niyang maging prinsipe: si Reno, ang kanyang high school ultimate crush. Nang magkita uli sila pagkalipas ng maraming taon, na-realize niya na matindi pa rin ang epekto nito sa puso niya.

Nang malaman niya na nangangailangan ito ng Cinderella—este, sekretarya, mabilis pa sa alas-kuwatrong nag-apply siya para mapalapit dito.

Pero paano kapag natuklasan niya na ang pinili niyang maging prinsipe ay iba pala ang gustong gawing prinsesa? Paano na ang kanyang “happy ever after”?

Protected: Sonia Francesca: For The Love Of Jeremiah

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Due to Insistent Public Demand: MORE REPRINTS!!!

Aloha beautiful people! Kaunting update lang muna mula sa inyong lingkod, hehe. Muli ay nagkaroon na naman ng reprint ang ilan sa mga collector’s item novel ng ating minamahal na inang reyna na si Ms. Sonia Francesca. Here is the list and the cover pages of the latest SF novel reprints. Sit back, relax, and ENJOY! 🙂

1. Captain Of My Heart

Sa paghahanap ni Leira sa kanyang “Mr. Right,” iba ang kanyang natagpuan; si Calvin, isang Air Force captain na kasalukuyang hinahanap din ang sarili nitong “Miss Right.” Pareho sila ng mithiin at misyon sa buhay kaya mabilis silang nagkapalagayan ng loob at naging magkaibigan.

Together they set out a quest to find their own true love. Pero nagbago ang lahat nang mag-iba ang tingin niya sa matikas at guwapong kapitan.


2. My Sweetheart Cherie

Pangarap ni Cherie na unusual at romantic ang maging pagkikita nila ng lalaking kanyang mamahalin. Ngunit naglaho ang pangarap niyang iyon nang ipagkasundo siya ng mga magulang sa lalaking ni hindi niya gusto. Nagpasya siyang kausapin na lamang si Dwight—ang lalaking ipinagkasundo sa kanya. Dapat na dito manggaling ang pag-atras sa kasal nila. Iyon lang ang tanging paraan para hindi sila makasal.

Ngunit tinanggihan siya ng hudyo. Wala raw itong balak na umatras sa kasal nila.

Kaya imbes na pag-ibig ay galit ang namayani sa kanyang puso. Well, she would make life a living hell for her dear husband-to-be. But when married life slowly sunk in, things started to change. Even the way she saw her husband had changed.

Even the way her heart felt towards him…


3. Accidental Hearts

Presko. Iyon ang impresyon ni Rhome kay Byron nang unang beses silang magkita. Ngunit hindi rin niya maitanggi ang atraksiyong nadarama niya para dito. Ni hindi nga niya alam kung paano siya napapayag nito nang imbitahan siya nito para sa isang dinner date. Ngunit sa huling sandali ay bigla namang kinansela nito ang date na iyon; kung kailan nakabihis na siya at handang-handa na. Bumalik tuloy uli ang inis niya rito. Ipinangako niya sa sariling hinding-hindi na niya papansinin ito kahit kailan.

Then she met his twin brother, Bryan. Kabaliktaran ang ugali nito sa ugali ng kakambal. Bryan was more her kind of man.

Ngunit tuwing tititigan niya ito, ang masayang disposisyon ng mukha ni Byron ang nakikita niya… At bakit lihim niyang hinihiling na sana ay si Byron nga ang kausap niya?


4. I Love You Todo-todo, Walang Hinto, Walang Preno

Lumuwas sa Maynila si Reika upang hanapin ang kasintahang bigla na lang naglaho nang araw ng kanilang engagement. Ngunit ang natagpuan niya ay ang lalaking palagi na lamang nagpapakulo ng kanyang dugo; si Matthew, former NBI agent-turned-Patok jeepney driver, na sa kamalas- malasan ay siya ring taong kailangan niya upang makita ang kanyang hinahanap.

Ang problema, tila hindi man lang ito nagdalawang-isip na tumanggi para tulungan siya. Hindi na rin niya inisip na pakiusapan ito dahil wala iyon sa karakter niya.

Ngunit nakialam ang kanilang mga pamilya kaya sa ayaw at sa gusto niya ay mapipilitan siyang makipagkasundo rito.

Pero ang mas malaking problema ay nang makialam din ang puso niya. Natagpuan na lang niya ang sarili na nakikipagkasundo rito nang kusa.

So what are you waiting for? Grab your copies now! 😀

New Release!: Sweet Sacrifice

Yes, yes, yeash! May new release na nga ulit si Ms. Sonia Francesca under PHR. Yehey! Without further ado, here’s the teaser. 😉

Sweet Sacrifice by Sonia Francesca

“I’ll be yours, if you’ll be mine.”

Lauren had been secretly in love with her handsome boss Uruha. Pero tila imposibleng mapansin siya nito dahil miyembro ito ng pinakasikat na banda sa Japan. Fate decided to end her misery when her family in the Philippines asked her to come home. Laking dismaya niya nang payagan naman siyang umalis ng boss niya.

Tahimik at maayos ang takbo ng buhay niya sa Pilipinas nang biglang sumulpot doon si Uruha at ginulo iyon. He said he wanted her back.

Ang dating sa kanya niyon ay gusto nitong maging parte na siya ng buhay nito bilang girlfriend nito. Kaya ganoon na lang ang tuwa niya nang bigyan siya nito ng couple’s ring bilang simbolo ng pagmamahal nito sa kanya.

Ang akala niya ay wala nang makakahadlang sa pagmamahalan nila. Ngunit nalaman niyang ipinagkasundo na pala itong ipakasal ng mga magulang nito sa ibang babae…

Complete.. AT LAST!

Hello beautiful earthlings! Gusto ko lamang i-share sa inyo ang aking kasiyahan dahil nakumpleto ko na lahat ng The Floral Collection ni Ms. Sonia Francesca!!! Wooh!!! This collection includes Kissing Miss Wrong, Matters of the Heart, My Lord Ace, Love, Lies, and Alibis, Dear Lies, Hey Gorgeous, Love At Second Sight, The Way You Love Me, at Once and Again. 🙂

Grabe ‘di ako makapaniwala na mapapasakamay ko na rin ang mga ito sa wakas. Hay God is good talaga. Natupad na rin ang isa sa mga pinapangarap ko ngayong taong ‘to, hahay. Sana ma-reprint na rin yung ibang mga old novels ni Ms. SF para mas masaya, hahay! Anyway ico-contain ko muna pansamantala ang aking kasiyahan dahil kailangan ko nang gumawa ng notes para sa lecture ko tomorrow sa aking mga makukulit na estudyante. Babushka pretty peepz! 😉

Nyahaha!!! Parang ewan lang. Pasensya, napa-praning na naman. 😉

Arigatou PHR!

Hai hai hai! Hindi kayo dinadaya ng inyong paningin. Matapos mai-release ng Kissing Miss Wrong, Matters Of The Heart, at My Lord Ace, tunay ngang nai-release na rin ng sabay-sabay under PHR The Floral Collection ang anim pa sa mga unang novels ni Ms. Sonia Francesca. Ito ay ang mga sumusunod: 

  1. Love, Lies, And Alibis
  2. Hey, Gorgeous
  3. Dear Lies
  4. The Way You Love Me
  5. Once And Again
  6. Love At Second Sight

Kaya naman I’m so thankful to PHR for hearing us out. Malaking tulong talaga ito sa mga tulad kong super fan ni Ms. SF na wala pa ng mga supah collectible novels na ito dahil nga may mga taong napakahilig manghiram pero hindi naman marunong magbalik… hay. Anyway, napakagandang pamasko talaga ng mga goodies na ‘to para sa aking sarili, hehehe! Pasensiya na, adiktus lang.

So what are ya waitin’ for? Go grab your copies now. And again, Arigatou PHR! Cheerio!

P.S.: Need teasers? Go here: http://iheartfrance.blogspot.com/ 🙂 And oh, by the way the picture isn’t mine and I forgot where I ripped this one, sorry. Just so you know. 😉